COVID-19 update: Mga residente ng NSW, hinihikayat ng otoridad na magpabakuna dahil sa patuloy na pagtaas ng mga bagong kaso

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Agosto 6 2021

NSW COVID-19 update in Sydney. Friday, August 6, 2021.

The media surround NSW Premier Gladys Berejiklian at a press conference to provide a COVID-19 update in Sydney. Friday, August 6, 2021. Source: AAP Image/Mick Tsikas

  • Mga pasyente sa intensive care sa NSW, marami ang hindi pa bakunado
  • Mga bagong kaso sa Victoria, nasa komunidad habang nakakahawa
  • Sa Queensland, higit 300 botika kasama sa vaccination program

New South Wales

Nagtala ng 291 na bagong kaso ng COVID-19 ang estado, 48 sa mga ito ay infectious o nakakahawa. Isang babae na taga southwest Sydney na nasa edad 60s ang naiulat na namatay, at hindi umano ito bakunado.

Ayon kay Premier Gladys Berjiklian, asahan na ng publiko na mas madaming pulis ang idedeploy sa mga lugar kung saan mataas ang bilang ng kaso ng COVID-19. Ito ay para masiguro na susunod ang mga residente sa mga public health orders.

Sinabi naman ni Chief Health Officer Dr Kerry Chant, 44 sa 50 pasyenteng nasa intensive ang hindi pa nababakunahan, habang ang ilan ay nakakuha ng kanilang unang dose ng bakuna.

Hinihikayat ng mga otoridad na magpabakuna ang lahat ng residente ng NSW. Narito ang listahan ng mga vaccination clinics.

Victoria

Nagtala ng 6 na panibagong kaso ng coronavirus ang Victoria, dalawa rito ay inanunsyo na kahapon, Agosto 5.

Lahat ng kaso ay konektado sa nakaraang Delta infections at hindi naka-quarantine habang sila ay nakakahawa.

Nagkaroon ng dalawang magkahiwalay na outbreak-isa sa Hobsons Bay at isa pa sa Maribyrnong.

Queensland

Nagtala ng 10 bagong kaso ng coronavirus, lahat ay konektado sa kasalukuyang cluster.

HIgit 300 botika ang kasama sa vaccination program ng estado, kung saan maaaring makakuha ang mga residente ng bakuna kontra COVID-19.

Ani Chief Health Officer Dr Jeanette Young, masyadong pang maaga para malaman kung magtatapos na ang lockdown ngayong Agosto 8 sa southeast Queensland

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa, i-click ang link na ito. Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update sa Smart traveller website. 


 



Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
ACT 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
ACT 
 


Share

Published

Updated

By SBS/ALC Content
Presented by Roda Masinag
Source: SBS

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand