- 5 milyong katao tumanggap ng kanilang unang dosis ng bakuna sa NSW
- Mga booking para sa pagbabakuna dinagdagan sa Victoria
- Dalawang bagong locally acquired cases sa ACT, at wala namang dagdag na kaso sa QLD
- 1 milyong dagdag na dosis ng Pfizer nakatakdang dumating sa Australia mamayang gabi
New South Wales
Nakapagtala ang NSW ng 415 na panibagong locally acquired cases at apat na pagkamatay. Hindi bababa sa 35 mga kaso ay nakasalamuha sa komunidad habang nakahahawa.
Ang mga lugar ng Blacktown, Mount Druitt, Marayong, Merrylands, Auburn at Guildford ang may pinamakamalaking bilang ng mga bagong kaso.
Ani Premier Gladys Berejiklian tinitignan ng gobyerno ang ilang "mga oportunidad" para sa mga taong nabakunahan na kahit paano ay magkaroon ng kaunting kalayaan mula Setyembre habang mahigit 50 porsyento ng adult population ng estado ay nabakunahan na ng paunang dosis.
Victoria
Nakapagtala ang Victoria ng 25 na panibagong locally acquired cases, 4 dito ay hindi nakaugnay sa mga kilalang outbreaks. 13 kaso ay nakahalubilo sa komunidad habang nakakahawa.
Ayon kay Premier Daniel Andrews magdadagdag ng 84,000 bookings para sa estado at makikita na ito sa government website.
Mga huling kaganapan sa loob ng 24 oras sa buong Australia
- Queensland walang naitalang bagong locally acquired cases at nag-deploy ng dagdag na pulis sa hangganan ng NSW.
- ACT nakapagtala ng 2 bagong locally acquired case, isa dito ay isang mystery case.
- Pamahalaang Pederal siniguro ang 1 milyong dosis ng Pfizer COVID-19 vaccine bilang karagdagan sa 40 milyon na nakontrata na ng Australia.
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,. Click here Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update Smart Traveller website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa sbs.com.au/coronavirus
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: NSW, Victoria, Queensland, Western Australia, South Australia, Northern Territory, ACT, Tasmania.
- Impormasyon tungkol sa COVID-19 vaccine sa inyong sariling wika.
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo: