COVID-19 update: Mga kaso ng COVID-19 sa NSW mataas pa din ang bilang, Queensland naka high alert

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Hulyo 26 2021

Signs of AstraZeneca and Pfizer Covid-19 vaccines outside a doctors surgery in the lower north shore suburb of Lane Cove in Sydney

Signs of AstraZeneca and Pfizer Covid-19 vaccines outside a doctors surgery in the lower north shore suburb of Lane Cove in Sydney, Monday, July 26, 2021. Source: AAP Image/Mick Tsikas

  • Pagtitipon ng pamilya, pangunahing dahilan ng mataas na kaso ng COVID-19 sa New South Wales
  • Pagluluwag ng restriksyon sa Victoria, wala pa ring katiyakan
  • Pagtatapos ng lockdown sa South Australia, kumpirmado na
  • Queensland, naka-high alert matapos makalusot ang isang nagpositibo sa COVID-19 mula sa Sydney

New South Wales

Nagtala ng karagdagang 145 na bagong kaso ang estado ngayong araw, habang bumaba na ang kaso sa Fairfield. Nagbabala si Police Commisioner Mick Fuller na aarestuhin ang sinumang nagpaplanong magprotesta sa Sydney habang naka-lockdown.

Samantala, maaari nang makakuha ng Astrazeneca vaccine sa mga lokal na botika para sa mga may edad 60 pataas, ayon kay Chief Health Officer Dr Kerry Chant. Hinihikayat din nito na magpabakuna ang mga tao. Hinihikayat din nito na magpabakuna ang mga residente sa kabila ng kakulangan ng supply ng Pfizer COVID-19 vaccine.

Alamin kung saang botika makakuha ng bakuna kontra COVID-19 sa link na ito.

Victoria

Nagtala ng panibagong 11 kaso ang estado, at lahat ng kaso ay konektado sa Delta variant outbreak. Kasalukuyan ding nagka-quarantine ang mga ito habang nakakahawa. Umabot na sa 190 ang mga aktibong kaso sa Victoria.

Inaasahan ding magtatapos ang ika-limang lockdown sa Martes, Hulyo 27, pero ayon sa mga otoridad wala pa rin itong katiyakan


 

Mga pangyayari sa loob ng 24 oras sa buong Australia

  • South East Queensland, obligado pa rin magsuot ng mask. Alamin ang listahan ng mga exposure sites sa link na ito.
  • South Australia, nakatakdang tapusin ang lockdown sa Miyerkules, pero may ilan pa ring paghihigpit
  • Umabot na sa 2117 ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa buong Australia, ayon sa federal health department

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa, i-click ang link na ito. Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update sa Smart traveller website. 


 



Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
ACT 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
ACT 
 

 

 

 



Share

Published

Updated

Presented by Roda Masinag

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand