COVID-19 update: NSW nagdeklara ng "national emergency"

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Hulyo 23, 2021

NSW Premier Gladys Berejiklian and Chief Health Officer Dr Kerry Chant

NSW Premier Gladys Berejiklian and Chief Health Officer Dr Kerry Chant at a press conference to provide a COVID-19 update Source: AAP Image/POOL/Mick Tsikas

  • NSW Chief Health Officer nagdeklara ng "national emergency"
  • NSW Premier Gladys Berejiklian, humihingi ng karagdagang supply ng Pfizer vaccines para sa southwestern at western Sydney
  • Victoria Premier Andrews hindi pa nakikitang tatapusin ang lockdown
  • Gamot na Pfizer aprobado na para sa edad 12 hanggang 15 anyos kontra COVID-19
 


New South Wales

Pumalo na sa 136 ang bagong kaso ng Covid -19 sa estado, 53 sa mga ito ay infectious o nakakahawa habang nasa komunidad at isa naman ang namatay.

Samantala, ipinagbabawal ngayon ng mga otoridad ang paglabas sa kani-kanilang bahay, silang mga nakatira sa Cumberland at Blacktown LGA para magtrabaho, maliban na lang kung konektado ang trabaho nito sa health at emergency industry o essential workers.

 Alamin ang mga lugar kung saan may mga naitatalang kaso ng COVID o mapa sa locations of the cases

Victoria

Nakapagtala ng panibagong 14 na kaso ang estado at 4 sa mga ito ay infectious o nakakahawa habang nasa komunidad. Umabot  sa 158 ang aktibong kaso sa buong estado.

Sa buong Victoria, dineklarang nasa 19,000 ang primary close contact ng mga kasong ito Kung saan naka-self isolate na ngayon.

Alamin ang mga lugar kung saan may mga naitatalang kaso ng COVID o mapa sa  locations of the cases. Inaasahang matatapos ang lockdown sa Victoria sa Martes Hulyo 27.


 

Mga pangyayari sa loob ng 24 oras sa buong Australia.

  • South Australia nakapagtala ng isang bagong kaso, sa ginawang higit 23,500 tests.
  • Isang flight attendant ng Qantas ang nagpositibo ng COVID-19 sa Queensland. Napag-alamang habang nakakahawa, bumiyahe ito ng 6 na regional flights sa buong Estado.
  •  Mga Australians na may edad 40 pababa inaasahang maghihintay hanggang sa buwan ng Setyembre o Oktobre para sa Pfizer COVID-19 vaccine, matapos inaprubahan ng Therapeutic Goods Administration o TGA na pwede ibakuna sa mga batang may edad 12 hanggang 15 anyos.

Eid al Adha (Festival of Sacrifice), magtatapos sa Biyernes, 23 July. Mainam na maging protektado sa panahong ito sa pamamagitan ng:

  • Pagdadasal sa bahay
  • Pagkansela ng mga malaking pagtitipon
  • Pagsuot ng mask
  • Paggamit ng sariling prayer rug

 Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment 

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa, i-click ang link na ito. Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update sa Smart traveller website. 

 




 Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

 Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.

 



 Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
ACT 

 Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
ACT 
 





 


Share

Published

Updated

By SBS/ALC Content
Presented by Shiela Joy Labrador-Cubero
Source: SBS

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand