COVID-19 update: Aboriginal communities sa NSW, hinihikayat ng otoridad na magpabakuna; Sa Victoria, pagbabakuna para sa mga Year 12 na estudyante sinimulan na

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Setyembre 7, 2021

Australian Wiradjuri elder been vaccinated

Source: AAP Image/Dan Himbrechts

  • Mga residente ng Greater Sydney na naka-temporary visa, makakatanggap ng ayuda mula sa Red Cross
  • Priority vaccine scheme para sa Year 12 students sa Victoria, kasado na
  • Vaccination at testing appointments binuksan para sa mga may kapansanan sa Canberra
  • South Asutralia at Queensland, walang naitalang mga bagong caso ng COVID-19

 

New South Wales

Nagtala ng 1,220 na panibagong kaso ng COVID-19 ang New South Wales habang walo ang namatay.

Hinihikayat ni Aunty Pauline Deweerd, Director ng Aboriginal Health sa St Vincent’s hospital, ang mga Aboriginal communities na magpabakuna sa lalong madaling panahon. Inaasahan ng mga otoridad na aabot pa sa 1,500 ang average na mga bagong kaso kada linggo sa buwan ng Setyembre.

Samantala, magbibigay naman ng isahang kabayaran na $400 ang Red Cross para sa mga naka-temporary visa o sa mga walang hawak na visa na  naapektuhan ng kasalukuyang lockdown sa Sydney. Ito’y sa pamamagitan ng Extreme hardship Support Program.

Victoria

Nagtala ng 246 na panibagong kaso ng coronavirus at umabot na 1,786 ang bilang ng mga aktibong kaso.

Target ng otoridad na mabakunahan ang lahat ng Year 12 na estudyante ng kahit isang dose ng bakuna bago ang kanilang final exams. Maaari na magpabook ng Pfizer vaccine ang Year 12 students, mga guro at staff na mangngasiwa ng final exams sa ilalim ng 10-day priority access scheme

Australian Capital Territory

Nagtala ng labingsyam na panibagong kaso ng COVID-19 ang teritoryo at anim sa mga ito ay nasa komunidad habang nakakahawa.

Samantala, ginawan  naman ng paraan ng pamahalaan ng ACT para mas madaling ma-access ang pagpapabakuna at pagpapatest para sa mga may kapansanan sa pamamagitan ng paglipat ng Access and Sensory Clinic sa Weston Community Health Centre.

 Alamin kung paano magpa-book ng vaccination appointment.
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,. Click here Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update  Smart Traveller  website. 




Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
ACT 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
ACT 

Share

Published

By SBS/ALC Content
Source: SBS

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand