COVID-19 update: NSW Premier naniniwalang makakatugon ang mga ospital sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa estado

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Setyembre 6, 2021

the Emergency Department at the Blacktown Hospital in Sydney

NSW Ambulances park in the receiving bay for the Emergency Department at the Blacktown Hospital in Sydney, Thursday, August 26, 2021. Source: AAP Image/Bianca De March

  • Fully vaccinated na mga residente ng NSW, pumalo na sa 40.8%
  • Victoria, naganunsyo ng bagong programa para sa mga hirap makabayad ng renta
  • Second dose ng Astrazeneca vaccine sa ACT, pwede nang gawin pagkatapos ng apat hanggang walong linggo
  • Bilang ng mga GP na pwedeng mag-turok ng Pfizer vaccine sa Queensland, inaasahang tataas pa

New South Wales

Nagtala ng 1,281 na panibagong kaso ng COVID-19 ang New South Wales, 831 sa mga ito ay natukoy mula sa west at southwest Sydney. Lima ang naiulat na namatay.

Ayon kay Premier Berejiklian, inaasahang tataas pa ang bilang ng mga na-aadmit sa ospital kapag naabot ang 70 porsyento ng vaccination rate, pero aniya hindi ito makakaapekto sa pagluluwag ng mga restriksyon. Sa ngayon, umabot na sa 177 ang tinamaan ng COVID-19 na nasa intensive care, 67 sa mga ito ay kinakailangan ng ventilator.

Alamin kung paano magpa-book ng vaccine appointment.

Victoria

Nagtala ng 246 na panibagong kaso ng coronavirus ang Victoria, 121 sa mga ito ay konektado sa kasalukuyang outbreak.

Ayon kay Housing Minister Richard Wynne, maglalabas ang gobyerno ng suporta para sa mga hirap makabayad ng renta. Kabilang sa bagong programa ang ayuda para sa mga nagbabayad ng higit 30 porsyento ng kanilang sahod para sa renta at mga nagpapaupa na nawalan ng higit sa 20 porsyento ng kanilang kita.

Alamin kung saan ang pinakamalapit na vaccination centre.

Australian Capital Territory

Nagtala ng 11 panibagong kaso ng COVID-19 ang Australian Capital Territory, at pito sa mga ito ay nasa komunidad habang nakakahawa.

Para naman sa mga nakakuha ng unang dose ng AstraZeneca, pwede nang magpabook ng mas maaga sa kanilang panagalawang shot ng bakuna gamit ang MyDHR portal. Maaari ding tumawag sa (02) 5124 7700 mula 7am hanggang 7pm.

 Alamin kung paano magpa-book ng vaccination appointment.

Pinakahuling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia

  • Sa Queensland, mayroong 341 GPs na ang pwede magbigay ng Pfizer COVID-19 vaccine, at inaasahang magkakaroon pa ng dagdag na 642 na mga doktor ang mapapabilang sa programa sa mga susunod na linggo
  • At halos kalahating milyong doses ng Pfizer dumating na sa Sydney nitong Linggo, Setyembre 5. Ito ang bunga ng napagkasunduang vaccine swap deal ng bansa sa UK.

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

NSW Travel & transport and Quarantine

VIC Travel permitOverseas travellers and Quarantine

ACT Transport and Quarantine

NT Travel and Quarantine

QLD Travel and Quarantine

SA Travel and Quarantine

TAS Travel and Quarantine

WA Travel and Quarantine

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,. Click here Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update  Smart Traveller  website. 



Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.


Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 

Victoria 

Queensland 

South Australia 

ACT 

Western Australia 

Tasmania

Northern Territory 


Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

NSW 

Victoria 

Queensland 

South Australia 

ACT 

Western Australia 

Tasmania
Northern Territory


Share

4 min read

Published

Updated

By SBS/ALC Content

Presented by Roda Masinag

Source: SBS




Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now