COVID-19 update: Babala ni NSW Gladys Berejiklian, asahang mas lalala pa ang sitwasyon sa mga susunod na linggo

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Setyembre 3 2021

PARRAMATTA PARK SYDNEY

People are seen exercising outdoor at Parramatta park in Sydney, Friday, September 3, 2021. Source: AAP Image/Dan Himbrechts

  • Bilang ng COVID-19 patients na nasa ospital, pumalo na sa higit 1,000
  • 50,000 bookings para sa Astrazeneca vaccine, bukas para sa mga residente ng Victoria
  • ACT, nagtalaga ng 12-week moratorium para maiwasang mapaalis ang mga nangungupahan

New South Wales

Nagtala ng 1431 na panibagong kaso ang New South Wales, at 12 ang namatay.

Ayon kay Premier Berejiklian, asahang mas lalala pa ang sitwasyon sa mga susunod na linggo.

Sa ngayon, umabot na sa 979 ang mga tinamaan ng COVID na na-admit sa mga ospital. 160 dito ay nasa intensive care at 63 ang naka-ventilator. Inaasahan ng otoridad na tataas pa ang bilang ng mga kaso sa susunod na dalawang linggo.

Alamin kung paano magpa-book ng COVID-vaccine

Victoria

Nagtala ng 208 na panibagong kaso ng coronavirus ang estado, 96 sa mga ito ay konektado sa kasalukuyang outbreak. Isang lalaki na nasa 60s ang namatay.

Ayon kay Premier Andrews, sisimulan nang bakunahan ang mga estudyante na Year 12 simula sa darating na Martes, 7 Setyembre. Susunod namang babakuhanan ng Pfizer COVID-19 vaccine ang mga kabataang nasa edad 12.

Alamin kung saan pwede magpabakuna

Australian Capital Territory

Samantala, nagtala ng 18 panibagong kaso ng COVID-19 ang Australian Capital Territory, 15 sa mga ito ay nasa komunidad habang nakakahawa.

Nagtalaga ang gobyerno ng 12-week moratorium para maiwasang mapaalis ang mga nangungupahang hirap makabayad ng renta dahil nawalan ng trabaho ngayong naka-lockdown ang teritoryo.

Mga huling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia

  • Simula Lunes, Setyembre 6, magagamit na ang 680 na kwarto sa hotel quarantine, matapos pansamantalang itinigil ang pagtanggap ng mga bibisita sa estado dahil sa isyu ng kapasidad ng mga hotel.
  • Higit 20 porsyento lamang ng mga Aboriginal at Torres Strait Islander na nasa edad 16 pataas ang nabakunahan na ng dalawang dose.
  • Mga healthcare workers sa Tasmania, obligado nang magpabakuna, ayon kay Acting Premier Jeremy Rockcliff
alc covid mental health
Source: ALC
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,. Click here Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update  Smart Traveller  website. 




Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
ACT 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
ACT 
 


Share

Published

By SBS/ALC Content
Presented by Roda Masinag
Source: SBS

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
COVID-19 update: Babala ni NSW Gladys Berejiklian, asahang mas lalala pa ang sitwasyon sa mga susunod na linggo | SBS Filipino