COVID-19 update: NSW, nangakong mas luluwagan ang restriksyon sa mga residenteng nagpabakuna; Vaccine eligibility sa Victoria mas pinalawig pa

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Agosto 24 2021

drive-through testing site at Shepparton Sports Precinct in Shepparton, Victoria, Tuesday, August 24, 2021.

صف رانندگان در پشت یک کلینیک سواره آزمایش کرونا در شهر شیپرتون Source: AAP Image/Daniel Pockett

  • 6 na milyong doses ng COVID-19 vaccine, naiturok na sa mga residente ng NSW
  • Victoria, mas pinalawig pa ang listahan ng mga pwede nang magpabakuna
  • Pinakamataas ng kaso ng COVID-19 sa ACT, naitala ngayong araw

New South Wales

Nagtala ng 753 na panibagong kaso ng coronavirus ang New South Wales, 49 sa mga ito ay nasa komunidad habang nakakahawa.

Ayon kay Premier Gladys Berejiklian, umabot na sa anim na milyong bakuna kontra COVID-19 ang naiturok na sa mga residente, at pumalo na sa 60 porsyento ang mga nakakuha ng kanilang unang dose ng bakuna.

Samantala , uunahin namang bakunahan ang mga residente na nakatira sa labindalawang local government areas, kabilang dito ang mga nasa edad 16 hanggang 39 at nagtatrabaho sa disability at childcare centres.

Nangako naman ang otoridad na luluwagan ang mga restriksyon ngayong linggo para sa mga residente na nakakuha na ng dalawang doses ng bakuna.

Magpa-book na ngayon ng vaccination appointment.

Victoria

Nagtala ng limampung panibagong kaso ang estado, sampu sa mga ito ay hindi konektado sa kasalukuyang outbreak. 39 sa mga kaso ay nasa komunidad habang nakakahawa.

Ayon kay Premier Daniel Andrews, pwede nang makakuha ng Pfizer o Astrazeneca vaccine ang mga nasa edad 16 pataas, simula Miyerkules, Agosto 25.

Narito ang listahan ng exposure sites. Alamin dito kung maaari ka nang makakuha ng bakuna.


Australian Capital Territory

Naitala ang panibagong 30 panibagong kaso ng COVID-19, 17 sa mga ito ay nasa komunidad habang nakakahawa.

Magbabalik-operasyon ang mga testing sites sa Kambah at Brindabella Business park bukas, matapos ito magsara dahil sa masamang panahon.

Narito ang listahan ng exposure sites at mga vaccination centres.

Pinakahuling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia

  • Queensland, nagtala ng dalawang panibagong kaso ng COVID-19 at kasalukyan itong iniimbestigahan
  • Doherty Institute, iginiit na mananatiling ligtas na tapusin ang lockdown kapag naabot nito ang target na 70 o 80porsyento na vaccination rate. Hindi umano mahalaga ang dami ng bilang ng kaso, basta’t maipapatupad ang mga patakaran para maging ligtas ang publiko.
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,. Click here Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update  Smart Traveller  website. 




Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
ACT 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
ACT 
 


Share

Published

Updated

By SBS/ALC Content
Presented by Roda Masinag
Source: SBS

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand