- 6 milyong katao, target ng ng NSW na mabakunahan bago ang katapusan ng Agosto
- Mga aktibong kaso ng coronavirus sa Queensland, pumalo na sa 47
- Victoria, nagtala ng apat na panibagong kaso ng coronavirus
- Karagdagang COVID support payment, inaalok ng gobyerno
New South Wales
Nagtala ng panibagong 199 na kaso ang estado, halos singkwenta dito ay nasa komunidad habang nakakahawa.
Paalala ni Chief Health Officer Dr Kerry Chant, huwag bumisita sa walong local government areas kung hindi kinakailangan.
Target ni Premier Gladys Berejiklian na mabakunahan ang anim na milyong katao bago ang katapusan ng Agosto. Sa ngayon, nakapamahagi na ng 3.9 milyong doses ng bakuna.
Queensland
Nagtala ng 16 na bagong kaso ng coronavirus ang estado, at lahat ng mga ito ay konektado sa kasalukuyang cluster.
Umaapela si Chief health Officer Dr Jeannette Young sa mga residente ng 11 local government areas na manatili sa bahay at magpa-test agad kung may nararamdamang anumang sintomas.
Samantala, 70 infringement notices na ang na-isyu ng pulisya at 21 ang naaresto dahil sa hindi pagsunod sa mga public health orders, ayon kay Deputy Police Commissioner Steve Gollschewski.
Narito ang listahan ng pinakamalapit na COVID-19 testing centre. Alamin ang pinakabagong ulat tungkol sa coronavirus sa inyong sariling wika.
Mga huling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia
- Victoria, nagtala ng apat na panibagong kaso ng COVID-19, lahat ng mga ito ay konektado sa kasalukuyang outbreak at naka-quarantine habang nakakahawa.
- Mga nawalan ng higit 8 oras na trabaho dahil sa mga pinapatupad na public health orders, makakatanggap ng dagdag na bayad sa COVID Disaster payment. Maaari nang mag-claim, simula ngayong araw.
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa, i-click ang link na ito. Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update sa Smart traveller website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa sbs.com.au/coronavirus
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: NSW, Victoria, Queensland, Western Australia, South Australia, Northern Territory, ACT, Tasmania.
- Impormasyon tungkol sa COVID-19 vaccine sa inyong sariling wika.
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo: