- Bagong support payments sa NSW, kasado na
- Lockdown sa Melbourne, tatagal pa ng dalawang linggo
- Ilang lugar sa Northern Terrirory sasailalim sa lockdown
- ACT, nagtala ng panibagong 19 na kaso, habang walang kasong naitala sa QLD
New South Wales
Nagtala ng 478 na panibagong kaso ng coronavirus ang estado. Pito ang naiulat na namatay at lima dito ay hindi pa bakunado.
Kung kinakailangang magpa-test at mag-isolate, maaari nang makakuha ng $320 na kabayaran ang mga nagtatrabaho na may edad 17 pataas na may nararamdamang sintomas ng COVID-19 at nakatira sa mga local government areas na natukoy na hotspots.
Para naman sa mga temporary visa holders na hindi kwalipikado sa ibang income support, maaari na ring makakuha ng $400 na hardship payment, sa tulong ng Red Cross.
Samantala, may dagdag na 530,000 doses ng Pfizer ang nakalaan para sa 12 apektadong local government areas sa Sydney. Para ito sa mga residente na may edad 20-39 na uunahing mabakunahan ngayong linggo.
Victoria
Nagtala ng 22 na panibagong kaso ng COVID-19 ang estado, lima rito ay hindi konektado sa kasalukuyang outbreak. Walong kaso ang natukoy na nasa komunidad habang nakakahawa.
Tatagal pa ang lockdown sa Melbourne hanggang Setyembre 2, Huwebes at ipapatupad ang dagdag na paghihigpit kabilang ang curfew simula 9pm ngayong gabi.
Mga huling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia
- Greater Darwin at Katherin region sasailalim sa snap lockdown sa loob ng tatlong araw, matapos may natukoy na nagpositibo sa virus
- ACT, nagtala ng 19 na bagong kaso at tatagal pa ang lockdown ng dalawa pang linggo

Source: ALC
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,. Click here Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update Smart Traveller website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa sbs.com.au/coronavirus
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: NSW, Victoria, Queensland, Western Australia, South Australia, Northern Territory, ACT, Tasmania.
- Impormasyon tungkol sa COVID-19 vaccine sa inyong sariling wika.
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo: