- Bagong vaccination requirements para sa ilang authorised workers sa NSW
- Lockdown sa Victoria kumpirmadong tatagal pa
- ACT nakapagtala ng 13 bagong locally acquired cases
- Queensland naitala ang isang community case sa home quarantine
New South Wales
Nakapagtala ang NSW ng 1,218 na bagong locally acquired cases, 887 ay mula sa kanluran at timog-kanlurang Sydney. Anim na katao ang namatay. 145 na ang kabuuang bilang ng mga namatay mula sa COVID-19.
Mula Lunes, Setyembre 6, ang mga authorised workers na nakatira sa mga local government areas (LGAs) of concern na nagta-trabaho sa labas ng kanilang LGA ay kailangan na nabakunahan na ng isang dosis ng COVID-19 vaccine.
May mga priority bookings para sa COVID-19 vaccine na maaaring gamitin ng mga authorised workers na nakatira sa mga LGA of concern, mga taong edad 16-49 na nakatira sa mga LGA of concern at childcare, disability at food workers na nakatira o nagta-trabaho sa mga LGA of concern.
Victoria
Nakapagtala ang Victoria ng 92 na bagong locally acquired cases, kasama ang mahigit 30 kaso na hindi pa naiuugnay sa mga kasalukuyang outbreaks.
Sa kasalukuyang 778 active cases, nasa 500 ay nasa hilaga at kanluran ng Melbourne, ani premier Daniel Andrews, binanggit na hindi pa posible na tapusin ang lockdown sa Setyembre 2.
Mga huling kaganapan sa loob ng 24 oras sa buong Australia
- Queensland bubuksan ang isang mass vaccination centre sa Brisbane Entertainment Centre sa Boondall mula Setyembre 8.
- Ayon kay Health Minister Greg Hunt ang COVID-19 Vaccine Claim Scheme ay magbibigay proteksyon sa mga Australyano na tatanggap ng TGA-approved vaccine.
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,. Click here Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update Smart Traveller website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa sbs.com.au/coronavirus
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: NSW, Victoria, Queensland, Western Australia, South Australia, Northern Territory, ACT, Tasmania.
- Impormasyon tungkol sa COVID-19 vaccine sa inyong sariling wika.
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo: