COVID-19 update: NSW nagtala ng naman ng pinakamataas na kaso ng COVID-19

 Bondi Beach in Sydney, Wednesday, August 25, 2021.

Members of the public exercise at Bondi Beach in Sydney, Wednesday, August 25, 2021. Source: AAP Image/Bianca De March

  • Kaso ng COVID-19 sa NSW, patuloy ang pagtaas
  • Mga tinamaan ng coronavirus sa Victoria, karamihan ay kabataan
  • COVID-19 response workforce, pinalawig sa ACT
  • Hotel quarantine program sa Queensland, itinigil muna

 

New South Wales

Nagtala ng 919 na panibagong kaso ng coronavirus ang New South Wales, 37 sa mga ito ay nasa komunidad habang nakakahawa. Dalawa ang naiulat na namatay.

Binabantayan pa din ang mga lugar ng Guildford, Auburn, Merrylands, Greystanes, Granville, Punchbowl, Yagoona at Blacktown, kung saan marami pa ding mga naitalang kaso.

Samantala, pinag-iingat ang mga residente ng Bateau Bay, Toukley at Merimbula matapos may makitang traces ng virus sa sewage treatment plants nito.

Ayon kay Chief Health Officer Kerry Chant, umabot na sa 113 cases ang nasa intensive care at 98 sa mga ito ay hindi bakunado.

Magpa-book na ngayon ng vaccination appointment.

Victoria

Nagtala ng 45 na panibagong kaso ang estado, 28 sa mga ito ay nasa komunidad habang nakakahawa.

Ayon kay Health Minister Martin Foley, 30 sa 538 na aktibong kaso ay nasa edad 30 pababa, at 114 sa mga tinamaan ng virus ang nasa edad siyam pababa.

Simula ngayon, pwede na magpa-book ng Pfizer vaccine ang mga nasa edad 16 at 17. Maaari na din mag-book para sa Pfizer o Astrazeneca vaccine ang mga nasa edad 18 hanggang 39. Samantala, Astrazeneca pa din ang ibibigay para sa mga nasa edad 60 pataas.

Alamin kung saan ang pinakamalapit na vaccination centre.

Australian Capital Territory

Nagtala ng 9 na panibagong kaso ang teritoryo at umabot na sa 176 ang kabuuang bilang ng mga aktibong kaso.

Sinabi ni Minister for Health Rachel Stephen-Smith, bibigyan na din nila ng induction at training ang mga estudyanteng nurse at midwives para makatulong sa pagbibigay ng bakuna kontra COVID-19. Ito ay paghahanda ng gobyerno para sa pagdating ng mas maraming supply ng bakuna sa teritoryo.

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,. Click here Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update  Smart Traveller  website. 




Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
ACT 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
ACT 
 


Share

Published

Updated

Presented by Roda Masinag

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand