COVID-19 update: COVID vaccination blitz para sa mga katutubong komunidad binuksan sa NSW, Victoria nakapagtala ng record high COVID-19 cases

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Setyembre 18, 2021

Sydney Indigenous COVID vaccination

Australian Wiradjuri elder and Indigenous rights activist Aunty Jenny Munro gestures after receiving a Covid-19 vaccine at a pop-up vaccination clinic... Source: AAP/Dan Himbrechts

  • NSW nagbukas ng state-wide COVID vaccination blitz para sa mga katutubong komunidad
  • Pampublikong transportasyon patungo sa CBD Melbourne sinuspende ng anim na oras
  • Unang dose ng Moderna vaccine dumating na sa Australia
  • Mahigit apatnapung porsyento ng Queensland bakunado na
New South Wales

Nakapagtala ang NSW ng 1,331 panibagong kaso ng COVID-19 at anim na kamatayan. 1,219 ang kasalukuyang nasa pagamutan.

Iniulat ni Dr Jeremy McAnulty ng NSW Health na 81.2 porsyento ng populasyon ang nakatanggap na ng kanilang unang dose ng bakuna habang 50.6 porsyento naman ang fully vaccinated.

Nagpatakbo ang New South Wales Health ng state-wide COVID-19 vaccination blitz para sa katutubong komunidad ngayong weekend. Babakunahan ng Pfizer vaccine ang mga katutubong may edad dose anyos pataas.

Alamin kung paano magpa-book ng vaccine appointment.

Victoria

Pumalo sa 535 ang panibagong kaso ng COVID-19 sa Victoria at isang kamatayan ang naitala. 62 sa mga kaso ang konektado sa mga naunang outbreak.

Sinuspende naman ng anim na oras ang pampublikong transportasyon sa Melbourne CBD upang mapigilan ang pinaplanong anti-lockdown protests. Nagbabala ang kagawaran ng transportasyon ng Victoria na tanging mga essential workers at mga magpapabakuna lamang ang papahintulutang makapasok sa CBD.

Alamin kung saan may pinakamalapit na vaccination centre.

Pinakahuling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia 

  • ACT nagtala ng 15 panibagong kaso ng COVID-19, pito ang nasa komunidad habang nakakahawa
  • Umabot na sa 40.54 porsyento ng mga residente ng Queensland ang fully vaccinated
  • Dumating na sa Australia ang unang dose ng Moderna vacccine at inaasahang isang milyong dose ang darating sa bansa ngayong weekend
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

NSW Travel & transport and Quarantine

VIC Travel permitOverseas travellers and Quarantine

ACT Transport and Quarantine

NT Travel and Quarantine

QLD Travel and Quarantine

SA Travel and Quarantine

TAS Travel and Quarantine

WA Travel and Quarantine

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,. Click here Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update  Smart Traveller  website. 



Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.


Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 

Victoria 

Queensland 

South Australia 

ACT 

Western Australia 

Tasmania

Northern Territory 


Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

NSW 

Victoria 

Queensland 

South Australia 

ACT 

Western Australia 

Tasmania
Northern Territory

 


Share

3 min read

Published

By SBS/ALC Content

Presented by Claudette Centeno-Calixto

Source: SBS




Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now