COVID-19 update: Roadmap para sa pagluluwag ng restriksyon sa NSW, kasado na

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Setyembre 9, 2021

Marrickville, Sydney, Thursday, September 9, 2021.

Members of the public wait in line at a Covid-19 vaccine pop-up vaccination clinic at Marrickville, Sydney, Thursday, September 9, 2021. Source: AAP Image/Joel Carrett

  • Ilang lugar sa New South Wales, niluwagan ang restriksyon
  • Mga pulis, idedeploy para mapigilan ang hindi otorosadong pagbyahe sa regional Victoria
  • ACT, nagdeklara ng mga pagbabago sa Check IN CBR app
  • Sa Queensland, walang naitalang bagong kaso gn coronavirus

 

New South Wales

Nagtala ng 1,405 na panibagong kaso ng coronavirus ang New South Wales, at lima ang namatay

Simula Lunes, magluluwag na ng mga restristriksyon sa ilang lugar sa New South Wales matapos makamit ng estado ang 70 porsyentong double vaccination target, ayon kay Premier Gladys Berejiklian.

Tatanggalin na ang stay-at-home order at pwede nang tumaggap ng hanggang limang bisita sa bahay, basta’t lahat ay bakunado. Papayagan na din magbukas ang mga hospitality venues, mga tindahan, sporting facilities at personal services kabilang ang mga hairdressers at nail salons. Kailangan pa din sumunod sa 4sqm rule.

Simula Setyembre 11, tatapusin na din ang lockdown sa ilang lugar sa regional NSW na walang naitalang bagong kaso sa loob ng 14 na araw.

Alamin kung paano magpa-book ng vaccine appointment.

Victoria

Nagtala ng 324 na panibagong kaso ng coronavirus ang estado, 107 sa mga ito ay konektado sa kasalukayang outbreak.

Magde-deploy naman ng mas maraming pulis para mapigilang bumyahe ang mga taga Melbourne sa regional areas sa sandaling tapusin ang lockdown sa September 9.

Pagmumultahin ng hanggang $5,500 ang sinumang lalabag at hindi otorisadong babyahe sa regional Victoria.

Alamin kung saan may pinakamalapit na vaccination centre.

Australian Capital Territory

Samantala, nagtala ng labinlimang panibagong kaso ang Australian Capital Territory, at walo sa mga ito ay nasa komunidad habang nakakahawa.

Nagkakaroon din ng mga pagababago sa paggamit ng Check In CBR app, kung saan makakatanggap na ng push notifications ang sinumang nagcheck in sa mga exposure sites. Dagdag dito, pwede na ding gamitin ang card na may QR code para mag-check in kung sakaling walang smartphone.

 Alamin kung paano magpabook ng vaccination appointment.

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

NSW Travel & transport and Quarantine

VIC Travel permitOverseas travellers and Quarantine

ACT Transport and Quarantine

NT Travel and Quarantine

QLD Travel and Quarantine

SA Travel and Quarantine

TAS Travel and Quarantine

WA Travel and Quarantine

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,. Click here Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update  Smart Traveller  website. 



Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.


Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 

Victoria 

Queensland 

South Australia 

ACT 

Western Australia 

Tasmania

Northern Territory 


Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

NSW 

Victoria 

Queensland 

South Australia 

ACT 

Western Australia 

Tasmania
Northern Territory


Share

3 min read

Published

Updated

By SBS/ALC Content

Source: SBS




Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now