- Home testing, maaari nang ma-access simula November 1, ayon sa TGA
- Victoria, nagtala ng pinakamataas na kaso ng coronavirus ngayong araw simula nang mag-umpisa ang pandemya
- Dalawang cluster sa Queensland, natukoy dalawang araw bago magsimula ang NRL grand final
Victoria
Nagtala ng 867 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Victoria at apat ang naiulat na namatay. Sa ngayon, umabot na sa 9,261 ang mga aktibong kaso sa estado.
Maglalabas din ang Victoria ng panibagong app na at susubukang gamitin ito para ma-check ang mga residenteng babalik mula interstate at ibang bansa.
Alamin kung saan may pinakamalapit na vaccination centre.
Queensland
Sa Queensland, may natukoy na dalawang panibagong cluster sa Brisbane, ilang araw bago ang NRL grand final. Kabilang dito ang isang kaso na konektado sa isang driver ng truck na walong araw nang gumala sa komunidad habang nakakahawa.
Sa ngayon, nagtala apat na bagong community cases ang Queensland. At kinakailangan ulit na magsuot mask ang mga residente ng Brisbane at Moreton bay local government areas.
New South Wales
Sa New South Wales, nagtala naman ng 863 na panibagong kaso ang estado at pito ang naiulat na namatay. Karamihan sa mga kaso ay mula sa South Western Sydney Local Health District at Western Sydney.
Balak din ng otoridad na isailalim sa lockdown ang mga residenteng nakatira sa Port Macquarie at Muswellbrook, at habaan pa ang lockdown sa Kempsey dahil sa paglobo ng mga kaso ng coronavirus sa mga lugar na ito.
Alamin kung paano magpa-book ng vaccine appointment.
Australian Capital Territory
Sinabi ni ACT Chief Minister Andrew Barr, na uunti-untiin ang pagluluwag ng mga restriksyon. Sa ngayon, may naitalang labingtatlong kaso ang teritoryo. Walong katao ang kasalukuyang nasa ospital dahil dinapuan ng virus at tatlo ang nasa intensive care at nangangailangan ng ventilator.
Magpabook ng COVID-19 vaccination.
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
NSW Travel & transport and Quarantine
VIC Travel permit, Overseas travellers and Quarantine
ACT Transport and Quarantine
NT Travel and Quarantine
QLD Travel and Quarantine
SA Travel and Quarantine
TAS Travel and Quarantine
WA Travel and Quarantine
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa. Click here Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update Smart Traveller website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa sbs.com.au/coronavirus
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: NSW, Victoria, Queensland, Western Australia, South Australia, Northern Territory, ACT, Tasmania.
- Impormasyon tungkol sa COVID-19 vaccine sa inyong sariling wika.
Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.
Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:
