Naitala sa Australia noong Biyernes ang 157 pagkamatay dahil sa COVID-19, kabilang dito ang 107 sa Victoria, 22 nsa New South Wales at 17 sa Queensland.
Ayon sa pamahalaan ng Victoria, kasama sa 107 na bilang ang 105 na pagkamatay na hindi agad nai-report. Ang average na bilang ng namamatay mula sa estado kada fortnight ay nasa 19.
Alamin ang pinaka huling COVID-19 trends para sa mga bagong kaso, naoospital at namamatay dahil sa virus sa Australia dito.
Sinasabing nasa 60,000 deaths ang naganap sa pagitan ng Enero at Abril, na mas mataas ng 16.8 kaysa sa historical average.
Ipinapakita sa datos ng NSW Health na nasa 20,460 katao ang muling tinamaan ng COVID-19 nitong inero.
Kalahati dito (10,846) ay ikalawang beses nang nagpositibo sa virus sa loob ng 90 araw matapos ang unang pagkakasakit
Sa ulat ng Telstra's Talking Loneliness nitong Biyernes, higit sa isa aa apat na Australians ang nakakaranas ng kalungkutan sa unang pagkakataon dahil sa COVID-19, at 46 per cent ang mas nangulila dahil sa lockdown.
Halos 3,000 Australians ang lumahok sa online study sa pagitan ng 6-12 September 2021.
Ayon sa bagong AusVaxSafety-led research na ang mga batang Australian edad 5-15 ay may mas kakaunting side effects mula sa mRNA COVID-19 vaccinations kaysa sa mga naiulat sa clinical trials at nailathalang datos.
Sinabi ng lead author Associate Professor Nick Wood na ang side effect rates sa mga bata sa Australia ay mas mababa kaysa mga naiiulat mula sa ibang bansa.
Ang AusVaxSafety ay pinamumunuan ng National Centre for Immunisation Research and Surveillance at pinondohan ng Australian Government.
Mula ika-1 ng Agosto, mamamahagi ang Service Tasmania ng libreng RATs sa mga concession cardholders sa halip na sa pharmacies.
Maaring tumawag ang mga residente sa 1300 13 55 13 para sa pinakamalapit sa 27 na service centres ng estado.
Magsasagawa naman ang South Australia ng COVID-19 vaccination program s apitong paaralan mula10 am to 4.30 pm sa Sabado.
Magbibigay din ang clinics ng ika-apat na dose sa mga edad 30 pataas.
Ang mga paaralan na lalahok ay ang Burton Primary School, Good Shepherd Para Vista Primary School, Grange Primary School, Marryatville Primary School, McDonald Park Primary School, Playford Primary School and Woodend Primary School.
Find a COVID-19 testing clinic
ACT New South Wales Northern Territory Queensland
South Australia Tasmania Victoria Western Australia
Register your RAT results here, if you're positive
ACT New South Wales Northern Territory Queensland
South Australia Tasmania Victoria Western Australia
Find out what you can and can't do anywhere in Australia
Before you head overseas, check the latest travel requirements and advisories
If you need financial assistance, check what your options are
Here is some help understanding COVID-19 jargon in your language
Read all COVID-19 information in your language on the SBS Coronavirus portal
