COVID-19 Update: Mga restriksyon sa NSW, patatagalin pa ng isa pang buwan; Paghahatid ng tulong sa Tonga, naantala dahil sa outbreak

Narito ang pinakabagong Coronavirus update sa Australia ngayong 25 Enero 2022.

NSW Premier Dominic Perrottet pictured during a press conference at NSW Health Headquarters in St Leonards, Sydney

NSW Premier Dominic Perrottet pictured during a press conference at NSW Health Headquarters in St Leonards, Sydney. Source: AAP

  • Australian Navy vessel na maghahatid ng tulong sa Tonga, naantala dahil sa COVID-19 outbreak, matapos magpositibo sa virus ang 23 kataong lulan nito. 
  • Nakikipag-ugnayan ang gobyerno sa awtoridad sa Tonga para manatiling nakadaong ang barko, para masigurong virus-free ang Pacific nation. 
  • Inanunsyo ni NSW Premier Dominic Perrottet na patatagalin pa ng isang buwan ang COVID-19 restrictions sa estado, habang tumataas pa din ang bilang ng mga naoospital dahil sa virus. 
  • Kabilang sa mga restriksyon ay pagpapatupad ng density limits na isang tao kada dalawang metro kwadrado at pagsusuot ng mask sa loob ng mga gusali, maliban na lamang kung nasa bahay. 
  • Umabot na sa 76 ang naitalang namatay sa buong bansa dahil sa COVID-19 
  • Napupunan na ang mga stock sa mga supermarket o pamilihan ngayong nakabalik na sa trabaho ang ilang staff ng Coles at Woolworths. Pero lilimitahan pa din ang pwedeng mabiling RAT kits, paracetamol at toilet paper sa parehong supermarket. 
  • Nangako naman ang Labor na maglalaan ito ng pondo para sa ventilation ng mga paaralan kung mananalo ito sa susunod na eleksyon. 
COVID-19 Stats:

Umabot sa 2,943 katao ang nadala sa ospital sa NSW dahil sa virus. 183 dito ay nasa intensive care, 29 ang namatay at may 18,512 na panibagong kaso ang naitala ngayong araw. 

SA Victoria, umabot naman sa 1,057 ang bilang ng mga dinala sa ospital dahil sa virus. 119 ay nasa ICU, 29 ang nailat na namatay at 14,836 naman ang naitalang panibagong kaso. 

Sa Queensland, 928 naman ang naospital, at 51 sa mga ito ay nasa ICU. Nagtala din ang estado ng 11 pagkamatay at 9,546 naman ang bilang ng mga panibagong kaso. 

Umabot naman sa 35, ang naospital sa Tasmania. nagtala ang estado ng 643 na panibagong kaso at isa ang namatay.


RAT registration forms ng iba't-ibang estado at teritoryo

Quarantine at resktrikyon sa bawat estado

Pagbyahe

Mga dapat alamin kung ikaw ay bumyahe galing ibang bansa at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa iba't-ibang wika

Tulong pinansyal

Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: Alamin ang mga benepisyo at tulong na pwede mong makuha sa Services Australia, sa wikang iba't-ibang wika.


Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
ACT 

Share

Published

Updated

Presented by Roda Masinag

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand