Nitong Lunes, mayroong nai-ulat na 36,000 bagong COVID infections at 32 namatay kabilang ang 19 sa South Australia at pito sa New South Wales (NSW).
Ang NSW at Victoria ay kapwa nag-report ng mahigit sa 10,000 bagong kaso ng COVID-19.
Alamin ang pinakahuling COVID-19 trends para sa bagong kaso, mga na-ospital at namatay sa Australya dito.
Noong ika-22 ng Hulyo, mayroong pinangangasiwaan 1,013 active outbreaks sa mga residential aged care facilities. Ang pinakamalaking bilang ng outbreaks ay nasa NSW (322), sinundan ng Victoria (211), Queensland (219), South Australia (109) at Western Australia (103).
Nagsimula ngayong araw ang coronial inquest sa pagharap sa COVID-19 outbreak sa Newmarch House sa Sydney. Nag report ang aged care facility ng 19 na katong namatay na may kaugnayan sa COVID-19 sa pagitan ng Abril at Hunyo 2020.
Sa isang national study mula UK napag-alaman na ang mga nagdadalangtao na nagkasakit ng COVID-19 sa kanilang first trimester ay may mas malaking panganib ng miscarriage. Base sa median gestational age, na sinsusukat ang edad ng pagbubuntis, ang miscarriage ay nagaganap sa ika- siyam na linggo ng pagbubuntis.
Naitanggi sa nasabing pag aaral na dapat siguruhin ang social distancing at pangalagaan ang kalinisan sa panahon ng pagbubuntis upang malimitahan ang panganib ng impeksyon .
Nai-ulat sa Sydney Morning Herald ang may halos 4,000 bata sa NSW ang minultahan sa paglabag sa batas kaugnay ng COVID-19 mula noong simula ng pandemya. May ilang mga bata ang nakatanggap ng higit sa isang multa.
Halos 800 bata ang inaasahang magbabayad ng multa sa pamamagitan ng work development orders, na siyang nag bibigay daan sa pagbaba ng halaga ng multa ng hangang $1000 bawat buwan sa pamamagitan ng paglahok sa unpaid work, mga kurso, counselling o treatment programs.
Mga residente na nag-positibo sa COVID-19 ay maaring tumawag sa National Coronavirus Helpline sa 1800 020 080 para suporta sa kalusugan o impormasyon.
Maaring ma access ang clinical team 24 oras, araw-araw.
Basahin ang impormasyon tungkol sa COVID-19 vaccines sa wikang Filipino
Hanapin ang COVID-19 testing clinic
ACT New South Wales Northern Territory Queensland
South Australia Tasmania Victoria Western Australia
I-register ang resulta ng inyong RAT dito, sakaling kayo ay nag-positive
ACT New South Wales Northern Territory Queensland
South Australia Tasmania Victoria Western Australia
Alamin kung ano o hindi ang maari ninyong gawin saan man sa Australia
Bago kayo maglakbay patungong ibang bansa,alamin ang pinaka huling travel requirements at advisories
Kung kailangan ninyo ng tulong pinansiyal, alamin kung ano-ano ang maraing pagpilian
narito ang ilang impormayson upang maunawaan ang COVID-19 jargon sa wikang Filipino
Basahin ang mga impormasyon ukol sa COVID-19 sa sariling wika sa SBS Coronavirus portal
