COVID-19 update: Regional Victoria muling sinailalim sa lockdown, NSW nakapagtala ng 825 panibagong kaso ng COVID-19

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Agosto 21, 2021

NSW Police conduct an operation in an attempt to head off an anti-lockdown protest in Sydney, Saturday, August 21, 2021.

NSW Police conduct an operation in an attempt to head off an anti-lockdown protest in Sydney. Source: AAP Image /Dan Himbrechts

  • Victoria nakapagtala ng 61 panibagong kaso, buong estado naka-lockdown
  • NSW nakapagtala ng pinakamataas na kaso simula ng pandemya
  • Queensland nakapagtala ng zero locally acquired case
  • ACT nakapagtala ng walong panibagong kaso, naka-quarantine ang mga kaso habang nakakahawa

New South Wales 

Pumalo sa 825 panibagong locally acquired cases ang naitala sa New South Wales at tatlo ang nasawi- isang nubenta'y anyos na lalaki na hindi bakunado, isang otsenta'y anyos lalaki na bakunado at isang nobenta'y anyos na babae na nakatanggap ng kanyang unang dose ng bakuna.

Nagbabantay ang 1,500 pulis sa New South Wales upang masiguro na hindi matutuloy ang planong anti-lockdown protest. Hindi na muna titigil sa mga pangunahing Sydney train station ang mga tren para magsakay ng pasahero at ipinagbawal ang mga taxi at rideshare operators sa CBD.

Available ang mga priority COVID-19 Pfizer  vaccination appointments para sa mga may edad 16-39 na naninirahan sa mga local government areas of concern.

Victoria

Nakapagtala ang Victoria ng 61 panibagong locally acquired cases, 39 ang nasa komunidad habang sila ay nakakahawa.

Na-detect din ang ilang mga kaso sa reigional Victoria kaya simula 1pm ngayong araw ay sasailalim sa lockdown ang regional Victoria.

Ang mga restriksyon sa mga rehiyon ay katulad ng mga batas sa pinatupad sa Melbourne maliban sa mga curfew.

Tingnan dito ang listahan ng mga exposure sites at listahan ng mga vaccination centres

Pinakahuling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia 

  • ACT nakapagtala ng walong panibagong kaso ng COVID-19 at plano ng awtoridad na ang mga kabataang nasa edad 12 ay maisali sa vaccine roll out bago magtapos ang taon.
  • Nakapagtala ang Queensland ng zero local COVID-19 cases at nanawagan ang pamahalaan na magpabakuna ang 16 pataas.
alc covid mental health
Source: ALC
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

NSW Travel & transport and Quarantine

VIC Travel permitOverseas travellers and Quarantine

ACT Transport and Quarantine

NT Travel and Quarantine

QLD Travel and Quarantine

SA Travel and Quarantine

TAS Travel and Quarantine

WA Travel and Quarantine

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,. Click here Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update  Smart Traveller  website. 


 


Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.


Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 

Victoria 

Queensland 

South Australia 

ACT 

Western Australia 

Tasmania

Northern Territory 


Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

NSW 

Victoria 

Queensland 

South Australia 

ACT 

Western Australia 

Tasmania
Northern Territory

 


Share

3 min read

Published

By SBS/ALC Content

Presented by Claudette Centeno-Calixto

Source: SBS




Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now