- Kasalukuyang naka-high alert ang Northern Territory matapos magtala ng walong panibagong kaso ng COVID-19 at lima sa mga ito ay sa remote community sa Robinson River. Naka-lockdown ngayon ang Katherine at Robinson River region hanggang Lunes, alas-sais ng gabi. Ipagpapatuloy din ang mandato na pagsusuot ng mask para sa mga residente.
- Sa Victoria, binatikos ni Premier Daniel Andrews ang grupo nagsagawa ng kilos-protesta na nagtipon sa labas ng Victorian parliament laban sa pagpapapasa ng inihaing batas sa pagsugpo ng pandemya sa estado. Inaasahang magpapatuloy ang debate bukas.
- Samantala, pumirma naman ang Pfizer ng bagong kasunduan para sa generic version ng COVID-19 pill na ginawa nito. Maaaring gamitin ang gamot para maagapan ang sintomas at makakatulong umano ito na maiwasan ang pagdala sa ospital o pagkamatay.
COVID-19 CASES
Victoria: 916 na panibagong kaso at siyam ang namatay
New South Wales: 231 na panibagong kaso at walang namatay
ACT: Anim na panibagong kaso
Queensland: Walang bagong naitalang kaso
Quarantine at resktrikyon sa bawat estado
Alamin kung ano ang mga pwede at hindi pwede gawin sa mga estado at teritoryo
Pagbyahe
Mga dapat alamin kung ikaw ay bumyahe galing ibang bansa at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa iba't-ibang wika
Tulong pinansyal
narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: Alamin ang mga benepisyo at tulong na pwede mong makuha sa Services Australia, sa wikang iba't-ibang wika.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa sbs.com.au/coronavirus
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: NSW, Victoria, Queensland, Western Australia, South Australia, Northern Territory, ACT, Tasmania.
- Impormasyon tungkol sa COVID-19 vaccine sa inyong sariling wika.
Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.
Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
