COVID-19 Update: Ilang elective surgery, papayagan na ulit sa Victoria simula sa Lunes

Narito ang pinakabagong Coronavirus update sa Australia ngayong 4 Pebrero 2022.

Victorian Health Minister Martin Foley speaks to media at the Alfred Hospital in Melbourne, Wednesday, December 29, 2021. Victoria has seen a massive jump in COVID-19 infections with 3767 new cases and five deaths. (AAP Image/Con Chronis) NO ARCHIVING

Victorian Health Minister Martin Foley speaks to media. Source: AAP

  • Inanunsyo ng pamahalaang Victoria na papayagan na ulit ang ilang elective surgery simula sa Lunes. 
  • Maglalaan din ang Victoria ng $1.4 milyong pondo, na ayon kay Health Minister Martin Foley, kinakailangan talaga ito para mapabuti ang pagresponde ng estado sa banta ng Omicron. 
  • Sa NSW, 31 ang naitalang namatay dahil sa COVID-19, habang 36 naman ang naitala sa Victoria. Sa ngayon, parehong pababa na ang bilang ng mga naoospital sa parehong estado. 
  • 45,000 sa 170,000 na residente sa aged care ang hindi pa nakakakuha ng kanilang ikatlong COVID-19 booster shut, ayon kay Federal Health Minister Greg Hunt. 
  • Giit ni Hunt, marami pa din ang may agam-agam sa pagkuha ng booster shot, kaya mababa pa rin ang bilang ng mga nababakunahan sa mga residente ng aged care. 
Covid-19 Stats:

Sa NSW, 2,494 na mga pasyente ang nadala sa ospital, 160 ang nasa intensive care, 31 ang namatay dahil sa COVID-19, at 10,698 ang naitalang panibagong kaso. 

Sa Victoria, 707 ang nasa ospital dahil sa virus, 79 ang nasa ICU, 36 ang namatay at 11,249 ang naitalang panibagong kaso ng COVID-19 sa estado.

Sa Queensland, 732 ang nadala sa ospital, 50 ang nasa intensive care, 13 ang namatay, at 6,857 ang naitalang panibagong kaso. 

Sa Tasmania, 570 ang naitalang panibagong kaso, 13 ang nasa ospital, at 2 ang nasa ICU.

Sa ACT, may isang namatay dahil sa COVID-19. 449 ang naitalang panibagong kaso, 65 dito ay nasa ospital at isa ang nasa ICU. 


RAT registration forms ng iba't-ibang estado at teritoryo


Quarantine at resktrikyon sa bawat estado

Pagbyahe

Mga dapat alamin kung ikaw ay bumyahe galing ibang bansa at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa iba't-ibang wika

Tulong pinansyal

Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: Alamin ang mga benepisyo at tulong na pwede mong makuha sa Services Australia, sa wikang iba't-ibang wika.


Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
ACT 

Share

Published

Presented by Roda Masinag

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand