COVID-19 Update: Mga estado, naghahanda na sa posibleng pagtaas ng mga kaso ngayong balik-eskwela na ang mga bata

Narito ang pinakabagong Coronavirus update sa Australia ngayong 31 Enero 2022.

Students are seen walking to class at Toorak College in Melbourne.

Students in Victoria return to school on Monday amid Omicron. Source: AAP

  • Inaasahang tataas pa ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa, ngayong nagbalik-eskwela na ang milyon-milyong estudyante
  • Mga magulang sa NSW, makakatanggap ng $500 voucher para maka-menos sa gastos sa pagpapadala sa mga bata sa before at after school care ngayong linggo
  • Naipadala na ang higit 50,000 na air purifier sa mga paaralan sa Victoria, kasama na din ang 300 shade sails para makapagturo sa labas ang mga guro, sa halip na sa loob ng silid-aralan.
  • Sa pagbabalik-eskwela ng mga bata sa Queensland, ipapatupad ang pagsusuot ng mask sa high school at paggamit ng RAT kit para makapag-test ang mga may sakit na estudyante at guro. Ipagpapaliban din ang mga malaking pagtitipon.
  • Simula ngayong araw, lilimitahan na ang galaw ng mga hindi pa bakunado sa Western Australia. Kakailanganin na magpakita ng pruweba na kumpleto na ang bakuna kung pupunta sa mga hospitality venues, kung bibisita sa mga pampubliko at pribang ospital at aged care facilities, pati na rin sa mga indoor entertainment venues. 
  • Naglabas ang NSW ng $1 bilyong dolyar na ayuda para sa maliliit na negosyo, kasama dito amg lump sum payment na 20 porsyento ng kanilang payroll kada linggo, na hindi hihigit sa $5,000 kada linggo. 
  • Mas nakakahawang strain ng Omicron variant na galing South Africa, posibleng maging dominant variant sa Australia, pero babala ng otoridad sa kalusugan, masayado pang maaga para masabing mas malubha ang magiging epekto nito.
COVID-19 Stats:

Nagtala ang NSW ng 2,779 na pasyente na na-ospital dahil sa virus, 185 dito ay nasa intensive care, at 27 ang namatay. Umabot naman sa 13,069 ang panibagong kaso ng COVID-19 sa estado. 

Sa Victoira, 873 ang nadala sa ospital, 102 dito ay nasa ICU. Walo ang namatay at may 10,053 na bagong kaso ng coronavirus ang naitala sa estado. 

Sa Tasmania, nagtala ng 504 na panibagong kaso ang estado at walang namatay dahil sa virus. Ito na ang  pinakamababang naitala simula noong Enero. 


RAT registration forms ng iba't-ibang estado at teritoryo


Quarantine at resktrikyon sa bawat estado

Pagbyahe

Mga dapat alamin kung ikaw ay bumyahe galing ibang bansa at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa iba't-ibang wika

Tulong pinansyal

Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: Alamin ang mga benepisyo at tulong na pwede mong makuha sa Services Australia, sa wikang iba't-ibang wika.

Visit the translated resources published by NSW Multicultural Health Communication Service


Testing clinics in each state and territory

NSW 
ACT 

Share

Published

Presented by Roda Masinag

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
COVID-19 Update: Mga estado, naghahanda na sa posibleng pagtaas ng mga kaso ngayong balik-eskwela na ang mga bata | SBS Filipino