COVID-19 Update: Tasmania at South Australia, magluluwag ng border restrictions

Narito ang pinakahuling Coronavirus update sa Australia ngayong Nobyembre 19, 2021.

Adelaide City

Adelaide may soon be bustling with visitors as travellers from LGAs with above 80 per cent can now travel to South Australia. Source: Getty Images

  • Magbubukas na ang border ng South Australia sa Martes, 23 Nobyembre pero hindi papayagang pumunta sa mga high-risk venues tulad ng hospice care at Adelaide Ashes test ang mga byaherong galing sa mga lugar na mababa sa 90 porsyento ang vaccination rate.
  • Sa mga manggagaling ng Victoria, NSW at ACT, kinakailangang gumamit ng symptom checker sa phone app kada 14 na araw
  • Ayon kay NSW Premier Dominic Perrotet , tatanggalin na ang karamihan ng restriksyon sa estado pagdating ng Disyembre 15
  • Para sa mga kumpleto na ang bakuna, tatanggalin na ng Tasmania ang restriksyon sa mga sayawan at inuman sa mga kaganapan, pati na rin sa mga pub at club simula Disyembre 6. Bubuksan na din ang border nito sa mga lugar na natukoy na hotspots simula Disyembre 15
  • Naglunsad naman ang Tasmania ng ‘5-day vaccination blitz’ at bibigyan umano ng iPhone at iPad bang mga teenager na magpapabakuna, bilang pabuya.

COVID-19 STATS

Victoria: May naitalangng 1,273 na panibagong kaso at walo ang namatay.

NSW: May naitalang 216 na panibagong kaso at tatlo ang namatay

ACT: Nagtala ng 17 na bagong kaso habang dalawa naman ang naitala sa NT

Quarantine at resktrikyon sa bawat estado

Alamin kung ano ang mga pwede at hindi pwede gawin sa mga estado at teritoryo

Pagbyahe

Mga dapat alamin kung ikaw ay bumyahe galing ibang bansa at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa iba't-ibang wika

Tulong pinansyal

narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: Alamin ang mga benepisyo at tulong na pwede mong makuha sa Services Australia, sa wikang iba't-ibang wika



Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.


Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 

Victoria 

Queensland 

South Australia 

ACT 

Western Australia 

Tasmania

Northern Territory 


Share

2 min read

Published

Updated

By SBS/ALC Content

Presented by Roda Masinag

Source: SBS




Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now