COVID-19 Update: Rollout ng bakuna para sa mga batang may edad 5-11, kasado na sa Enero

Narito ang mga pinakahuling Coronavirus update sa Australia ngayong 10 Disyembre 2021.

PM Morrison in Sydney

PM Morrison met with the members of public in Sydney and made announcements regarding vaccination rollout for children. Source: AAP Image/Bianca De Marchi

  • 40 milyong doses ng bakuna naipamahagi na sa Australia, ayon kay PM Scott Morrison
  • Ayon sa punong Ministro, masusing pinag-aralan ang mga naging karanasan ng US at Canada pagdating sa pagbabakuna sa mga bata. 
  • Simula sa susunod na buwan, makakakuha na ng Pfizer vaccine ang mga batang may edad lima hanggang labing-isa. 
  • May anim na katao sa Gold Coast na nagpositibo sa virus ang nasa komunidad habang nakakahawa. Isa sa mga natukoy na exposure site ay eskwelehan.
  • Walang natukoy na kaso ng Omicron variant sa NSW, pero may mga natagpuang traces ng virus sa regional NSW. 
  • Hindi pa bubuksan ang vaccine appointment sa ACT, hangga't hindi pa kumpirmado ng Pfizer ang supply na ilalaan ng Pfizer

COVID 19 Stats

Nagtala ng 1,206 na paniobagong kaso ang Victoria at dalawa ang naiulat na namatay.

May naitalang 516 na community cases sa NSW.

Nagtala ng anim na kaso ang ACT, habang apat naman ang naitala sa Queensland. 


Quarantine at resktrikyon sa bawat estado

Alamin kung ano ang mga pwede at hindi pwede gawin sa mga estado at teritoryo

Pagbyahe

Mga dapat alamin kung ikaw ay bumyahe galing ibang bansa at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa iba't-ibang wika

Tulong pinansyal

Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: Alamin ang mga benepisyo at tulong na pwede mong makuha sa Services Australia, sa wikang iba't-ibang wika.


Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.


Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 

Victoria 

Queensland 

South Australia 

ACT 

Western Australia 

Tasmania

Northern Territory 


Share

2 min read

Published

Updated

By SBS/ALC Content

Presented by Roda Masinag

Source: SBS




Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now