COVID-19 update: Victoria balik-lockdown simula ngayong araw

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Hulyo 16

Federation Square Lockdown 4

Federation Square Lockdown Source: I Riman

  • Balik-lockdown ang Victoria simula ngayong araw, isasailalim sa snap lockdown ang estado sa loob ng limang araw hanggang Hulyo 20
  • Samantala sa New South Wales, pumalo na sa 97 ang naitalang kaso ng COVID-19 ngayong araw.
Victoria

Nagtala ng 6 kaso ng COVID-19  ang estado sa unang araw ng lockdown nito. Kinumpirma ng health department na may 10 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa huling 24 oras, apat sa mga ito ay naisama na sa tala ng otoridad. Lahat umano ng kaso ay konektado sa nasabing outbreak. Sa kasalukuyan, mayroon nang 36 na kaso ang naitala sa Victoria. 

Alamin ang mga lugar kung saan may mga naitalang kaso ng COVID o listahan ng exposure sites. Nakatakdang matapos ang ikalimang lockdown 11:59 pm ng Martes, Hulyo 20. 

New South Wales

Pumalo na sa 97 ang bagong kaso na naitala sa estado ngayong araw. 29 sa mga bagong kaso ang nakihalubilo sa komunidad habang sila ay nakakahawa. 75 ang nasa ospital, 18 ang nasa intensive care unit, at lima ang naka-ventilator. 

Alamin ang mga lugar kung saan may mga naitalang kaso ng COVID o listahan ng exposure sites. Nakatakdang magtapos ang kasalukuyang lockdown 11:59 pm sa Byernes, Hulyo 30.

Mga pangyayari sa loob ng 24 oras sa buong Australia

  • Isasara ng Queensland ang border nito sa Victoria simula Sabado, Hulyo 17. Nagtala ng 1 kaso ang estado ngayong araw. 
  • Iminungkahi ni Punong Minstro Scott Morrison ang plano para sa bagong ayuda o pandemic support measures para sa mga lugar na sasailalim sa 7-araw na lockdown o higit pa, at idineklarang COVID-19 hotspot ng Commonwealth. 

 

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa, i-click ang link na ito. Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update sa Smart traveller website. 



Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.
Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.


Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:


NSW 
ACT 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
ACT 

 


 



Share

Published

Updated

By SBS/ALC Content
Presented by Roda Masinag
Source: SBS

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand