COVID-19 Update: Ika-pitong kaso ng Omicron variant, naitala sa NSW

Narito ang mga pinakahuling Coronavirus update sa Australia ngayong 2 Disyembre 2021.

Director General Tedros

WHO director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus says that blanket bans do not prevent the spread of Omicron variant. Source: AAP

  • Sinabi ni World Health Organisation Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus na hindi umano nakakatulong ang pagpapatupad ng blanket ban para mapigilan ang pagkalat ng Omicron variant, sa halip, mas masasabing ito ay pasakit at pahirap sa mga tao at mga kabuhayan nito. Sa ngayon, 23 bansa na ang may kumpirmadong kaso ng ng bagong variant.
  • Payo ng WHO sa mga mas madaling mahawa ng sakit na ipagpaliban muna ang pagbyahe. 
  • Nagtala ng ika-pitong kaso ng Omicron variant ang NSW. At hindi umano ito bumyahe sa southern Africa. Nangangamba ang NSW Health na maaaring nahawa ito sa ibang pasahero ng flight na galing Doha. 
  • Hinala naman ng Victorian Health Minister na hindi malayong mayroon na ding kaso ng bagong variant sa estado, bagamat wala pang kumpirmadong report tungkol dito.
  • Ayon kay Victorian Premier Daniel Andrews, hindi nakatuon ang estado sa mga panibagong kaso ngayong mas mataas na ang vaccination rate ng estado.
  • Kinumpirma naman ni Queensland Premier Annastacia Palaszczuk na ang lalaking nagpositibo sa virus sa Gold Coast kahapon ay nasa komunidad noong Black Friday sales. 

COVID-19 stats

Victoria: Nagtala ng 1,419 na panibagong kaso at sampu ang namatay.

NSW: Nagtala ng 271 na bagong community cases

ACT: May walong bagong naitalang kaso

NT: 1 panibagong kaso


Quarantine at resktrikyon sa bawat estado

Alamin kung ano ang mga pwede at hindi pwede gawin sa mga estado at teritoryo

Pagbyahe

Mga dapat alamin kung ikaw ay bumyahe galing ibang bansa at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa iba't-ibang wika

Tulong pinansyal

narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: Alamin ang mga benepisyo at tulong na pwede mong makuha sa Services Australia, sa wikang iba't-ibang wika.


Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.


Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 

Victoria 

Queensland 

South Australia 

ACT 

Western Australia 

Tasmania

Northern Territory 


Share

2 min read

Published

By SBS/ALC Content

Presented by Roda Masinag

Source: SBS




Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now