Oras na naman para sa daylight saving time

Sa Linggo, Oktubre 3, kailangang i-adjust ng isang oras ang mga orasan para sa pagsisimula ng daylight saving time sa ilang estado kabilang ang NSW, Victoria, South Australia, Tasmania, at ACT.

DST, daylight saving, spring forward

Spring forward: clocks move forward an hour Source: Getty

Kung ikaw ay naninirahan sa NSW, Victoria, South Australia, Tasmania o ACT, kinakailangang i-adjust ng isang oras ang inyong  mga orasan para sa pagsisimula ng daylight saving time. 

Para sa mga maapektuhan ng pagbabago, nangangahulugang mababawasan ang kanilang pagtulog sa Linggo at mas mahabang araw hanggang sa pagtatapos ng daylight saving sa susunod na taon, sa Abril 3.

Huwag mag-alala kung mayroon kang smartphone o mga digital device dahil kusa na itong magbabago sa tamang oras. Kung mayroon kang analog na mga orasan, huwag kalimutang baguhin ang oras nito.

Samantala, hindi naman maaapektuhan ng pagbabago sa oras ang mga naninirahan sa Queensland, Northern Territory, at Western Australia sapagka't hindi sila sumusunod sa daylight saving time. 


Share

Published

Updated

By Roda Masinag

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand