Huwag paniwalaan ang mga sabi-sabi tungkol sa coronavirus

Patuloy na kumakalat sa social media ang mga maling report at mga sabi-sabi tungkol sa pagkalat ng novel coronavirus na ayon sa mga eksperto, ay hindi nakakatulong.

coronavirus, myths

Source: AAP

Huwag paniwalaan ang lahat ng impormasyong kumakalat sa social media, iyan ang bababala ng NSW Chief Health Officer Dr Kerry Chant/ 

“Be aware of the facts about the novel coronavirus and take a moment to investigate unverified claims before they share them with others,” ayon sa kanya. 

Maging mapanuri sa mga mababasa sa social media, narito ang ilan sa mga kumakalat na impormasyon na hindi dapat paniwalaan ayon sa mga NSW health officials.

MYTH #1: Iwasang pumunta sa mga lugar kung saan maraming mga Chinese-Australian nationals, katulad ng Chinatown, shopping centres o suburbs. 

Bagaman may naitalang apat na kaso sa NSW, na-isolate na ang ilang mga pasyente. At sa kasalukyan, wala pang naging kaso ng community transmission sa NSW. 

MYTH #2: Maaaring makuha ang virus mula sa mga imported package ng mga pagkain. 

Hindi kumakapit ang virus sa mga pakete ng pagkain. 

MYTH #3: Makakatulong ang bawang at sesame oil para hindi ako mahawa ng novel coronavirus. 

Pinakamabisang paraan pa din ang pag-practice ng basic hygiene upang makaiwas sa karaniwang respiratory infection.
WHO advice, coronavirus
It's important to take extra precautions when you're sick Source: Supplied: World Health Organisation


MYTH #4: Mas nakakabahala ang pag-mutate ng bagong virus. 

Walang kasiguruhan o ebidensya na nagsasabing mas lumala ang panibagong virus, ayon yan sa report ng WHO. 

MYTH #5: Maaari ba akong mahawa sa aking alagang hayop?

“While the 2019-nCoV may have come from animals, domestic pets do not pose a risk of transmission in Australia," ayon sa isang opisyal ng NSW Health. 

Wala pang nakalap na ebidensya na maaaring makahawa ang alagang pusa o aso ang virus.

Share

Published

Updated

By Roda Masinag

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand