* Note: Mula lamang sa panig ni Ms Medel ang salaysay na ito.
Ina. Ama. Amain. Mga kapatid sa ina. Minsan, ang pamilya mo panghabang-buhay ay hindi ang pamilyang sinumulan mo. Nag-iiba ang takbo ng buhay mo. Maaaring gumuho ang mundo mo; pero, habang tumatagal, babangon ka muli, at mahahanap mo ang iyong sarili.
Kasal, anak, diborsiyo
"You never go into a marriage with the intention of getting divorced," saad ni Sydneysider at ina-sa-apat na si Joergette Medel, habang naaalala niya ang pagtatapos ng kanyang relasyon sa dating asawa noong 2013.
Noong panahon na iyo, labing-isang taon din nagsama si Ms Medel at ang kanyang asawa. Dalawa ang anak nila, si Jai at Jamae, at stay-at-home mum noon si Ms Medel.
"When I became a mum, everything was put on hold and I focused on the kids. That’s what happens. You focus on your family and you focus on your kids," aniya.
Masaya niyang inaalagaan ang kanyang pamilya; ngunit, alam niyang may kulang. May nagtutulak sa kanyang maghanap ng iba pang layunin sa buhay, layuning labas sa pamilya. Inasam niyang magtrabaho at magkaroon ng karera.

Joergette and her children, Jai and Jamae. Source: Joergette Medel
Habang tumatagal, lumala ang tensyon sa pagitan ng mag-asawa.
Nagkaroon si Ms Medel ng oportunidad na sumali sa isang leadership cruise sa ibang bansa. Ayaw ng asawa niyang umalis siya. Ayon kay Ms Medel, lumala ang sitwasyon sa bahay ng umalis siya para sa cruise.
"For a few months, [he would give me the] silent treatment, [then we would] argue until we were screaming in front of the kids. It wasn’t healthy. The only way we could communicate was through text."

In 2013, Ms Medel attended a leadership cruise overseas despite her husband asking her to stay home. Source: Joergette Medel
Pagkatapos ng ilang buwan, ginusto muli ni Ms Medel na sumali sa isang seminar. Noong sinabi niya ito sa kanyang asawa, sinabi nito na gusto na niyang makipaghiwalay bago siya umalis. Hindi na pareho ang takbo at direksyon ng kanilang mga buhay.
Isang panibagong pamilya
Napilitang mag-pokus si Ms Medel sa kanyang sarili at sa kanyang mga anak pagkatapos magtapos ang kanyang relasyon sa dating asawa.
Hindi madali ang naging kasunduan nila noon pagdating sa mga bata, pero kinailangan nilang magkasundo para sa mga anak nila.
"We are now more amicable than we used to be. We now have a working relationship because it’s all about the kids at the end of the day," aniya.
Pagdating sa mga bata, ang pasalamat ni Ms Medel na bata pa sila noong nangyari ang hiwalayan at hindi nila kinailangan matanggal sa kinasanayan na nilang buhay.
Kaya noong dumating ang kanyang kasalukuyang kasintahan, hindi nahirapan ang mga bata na tanggapin siya bilang bahagi ng kanilang pamilya.
"When I first introduced the kids to him, I said this is mummy’s friend, [then eventually], mummy's partner. We started doing things together slowly. They played video games together, and we would go to the park."

"First I introduced [Anthony] as mummy's friend, then [later on] mummy's partner." Source: Joergette Medel
Masaya ring tinanggap nina Jai at Jamae ang kambal nilang kapatid sa ina na sina Anastasia at Antoinette. Sinugurado ni Ms Medel na malapit ang magkakapatid.
"I told my daughter first when I found out I was pregnant. [She] went to the ultrasound. She actually got to see the little bubbas in my tummy," saad niya.
Maswerte si Ms Medel at ang kanyang kasintahan na naging maayos ang transisyon nila sa pagiging blended family. Sa katotohanan, 'papa' ang tawag nila Jai at Jamae, at masaya ang dalawang bata kapag nakakatulong sila pagdating sa kambal.
Ang mahirap para kay Ms Medel ay hindi niya palaging kasama sa bahay sina Jai at Jamae. Noong napanganak ang kambal, ninais ng asawa niya na makasama ang kanilang mga anak ng mas madalas. Ito ang pagbabago na naging pinakamahirap para sa kanya.

Joergette with her twin girls, Anastasia and Antoinette. Source: Joergette Medel
"I'm the mum, they should be with me," aniya, "Now that I look back, it was a blessing. I needed time with the twins and to heal from the Caesarean section."
"Expanding, not breaking"
Maswerte si Ms Medel - maswerte na nakabangon siyang mula, na mayroon siyang mababait na anak, na umibig siyang muli, at nahanap niya ang kanyang sarili.
Saad niya na imbis na mag-pokus sa pagkabigo ng kanyang dating relasyon, tinuturuan nila ang kanilang mga anak na isipin na lamang kung gaano sila kaswerte na marami ang nagmamahal sa kanila, na mayroon silang "mummy's family and daddy's family".
Hindi tradisyonal ang pamilya ni Ms Medel; pero, para sa kanya, hindi ito nasira. Lumalaki lamang ito, at nag-iiba.
BASAHIN / PAKINGGAN DIN
Share



