Narito ang isang madali ngunit magandang DIY Christmas decoration na perpektong maging aktibidad ngayong Pasko ng buong pamilya.
Ibinahagi ng papasok na third year Psychology student mula sa La Trobe University at mahilig gumawa ng mga handircraft mula sa mga recycled na materyales, Cristine Enero ang isa sa mga paboritong DIY Christmas craft idea niya- ang Christmas Cone.
So you better not cry, you better not pout, sa halip, ihanda ang mga materyales at ating simulan!
Christmas Cone gawa mula sa mga recycled na materyales
Materyales:
• Lumang magazine
• Glue
• Acrylic paint o spray paint
• Tissue roll
• Ruler
• Gunting
• Pen
• Paper at glitters

Source: Supplied by Cristine Enero
Paraan:
1. Kumuha ng lumang magazine (siguraduhin na 50 pahina o mas marami), kunin ang dalawang pahina at itiklop papasok ng tryanggulo at itiklop din ang ibabang bahagi papasok upang makaporma ng maliit na tryanggulo. Ulitin ito hanggang matiklop ang lahat ng pahina ( huwag kalimutan na laging itiklop ng sabay ang dalawang pahina).
2. Ikurba ang mga natiklop na pahina papasok at gamitin ang glue upang ito ay dumikit. Ulitin ito hanggang ang lahat ng mga pahina ay na-ikurba ng papasok.
3. Gumamit ng spray paint (o acrylic paint) upang matakpan ang bawat bahagi ng cone.

Source: Supplied by Cristine Enero

Source: Supplied by Cristine Enero
Tip: Pwedeng gumamit ng kahit anong kulay na gusto ngunit mas inirerekomenda na gumamit ng metallic na mga kulay.
4. Mag-gupit ng 1 cm na piraso mula sa toilet paper roll.

Source: Supplied by Cristine Enero
Tip: Upang maging pantay ito, gumamit ng ruler at bolpen bago gupitin.
5. Kunin ang limang piraso ( o mas marami depende sa iyong gusto) at mag-porma ng bituin o bulaklak. Ikabit sa isa't-isa ang pira-pirasong toilet paper roll gamit ang glue. Takpan ang bituin o bulaklak ng spray paint/ acrylic paint o pwede din takpan ng glitters.
6. Mag-gupit ng kahit anong hugis mula sa papel at lagyan ng glitters ( Si Cristine ay gumamit ng ribbon na may glitters at ginupit niya ito ng pabilog).
7. Ilagay ang bituin o bulaklak sa taas ng cone at ang mga glittered na bilog sa palibot ng cone.
At yan ang madali at magandang Christmas cone na gawa mula sa mga recycled na materyales na makukuha sa loob ng iyong bahay. Ang DIY na proyektong ito ay hindi maggastos!

Source: Supplied by Cristine Enero

Source: Supplied by Cristine Enero

Source: Supplied by Cristine Enero

Source: Supplied by Cristine Enero
Salamat Cristine Enero sa pagbahagi ng DIY Christmas decoration na ito na talagang dapat ay subukan!
SUNDAN ANG SBS FILIPINO SA FACEBOOK.
BASAHIN DIN: