Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Mapanlokong pagtatrabaho sa Lockyer Valley tinutudla ng operayson mula iba't ibang ahensiya

Nagsama ang puwersa ng Fair Work Ombudsman, Queensland Workplace Health and Safety, at kapulisan ng Queensland para pamununan ang operasyon para sundin ang batas sa pagtudla sa pagsasamantala ng mga manggagawa sa Lockyer Valley.

Lockyer Valley, Queensland

Source: Flickr/Stonestreet Coaches (CC BY-ND 2.0)

     Ang operasyon ay alinsunod sa isang tip-off mula sa industriya ng pagsasaka.     

     Kasama sa mga alegasyon ang maaaring di-pagpasahod ng sapat; pagpapatira sa mga mangggawa sa di-ligtas at napakasamang akomodasyon, di-ligtas na inuming tubig at di-rehistradong sasakyan; at mga manggawa na sinisingil ng "job find fees". 

     Sa tugon, isang koponan na binubuo ng 12-katao ng mga inspektor mula Fair Work  at  Work Health and Satey at kapulisan ang nagsagawa ng mga  di-anunsiyong pagbisita sa apat na taniman ng gulay sa loob ng dalawang araw.

     Inodit ng mga inspektor mula Fair Work ang mga talaan ng pag-eempleyo ng mga taniman para sa buwan ng Hulyo at Agosto para tsekin ang pagsunod sa Fair Work Act 2009 and Horticulture Award 2010.

     Bilang resulta ng operasyon, sinumulan ng Fair Work Ombudsman ang ilang imbestigasyon sa maaaring paglabag ng ilang mga regulator. 

      Ang mga isyu sa labas ng hurisdiksoyon ng Fair Work Ombudsman ay tinutugunan ng mga nauugnay na regulator.

     Sinabi ni Fair Work Ombudsman Natalie James nakakahikayat na makita ang mga negosyo na gumawa ng pro-aktibong interes para matiyak ang pagsunod ng batas sa sektor ng horticulture. 

     “The fact that the industry itself is willing to bring forward allegations of suspected non-compliance is a positive sign,”  pahayag ni James. “Over a number of years my agency has undertaken activities aimed at shining a light on the dodgy labour practices and it is pleasing to see the industry take steps to stamp out these insidious practices.

      “It is blatantly unfair for workers and it is unfair for responsible operators that are doing the right thing to have to compete with those who base their business models on unlawful activities. 

       “It sends a strong message to crooked operators that we are on the case and will use our powers to enforce the law and disrupt their unlawful activities.”

      Kilala bilang salad bowl ng Queensland,  ang Lockyer Valley  ang isang panghunahing lugar ng taniman ng mga bulaklak sa Australya. 

      Sinabi ni James habang kailangang sumunog ng mga nag-papa-trabaho sa mga obligasyon sa lugar pa-trabaho, mahalaga para sa mga magsasaka na intindihan ang kanilang mga karapatan sa lugar pa-trabaho at alamin kung saan hihingi ng tulong. 

      Ang mga nag-nag-empleyo at mga empleyado na humihingi ng tulong ay maaaring bisitahin ang  www.fairwork.gov.au o tawagan ang Fair Work Infoline sa 13 13 94.  Ang serbisyo ng taga-sanay ay abeylabol sa 13 14 50

      Hangad ng Fair Work Ombudsman’s ‘Record My Hours’ smartphone app na harapin ang patuloy na problema ng  di-pagbabayad sa mga bulnerableng kabataang manggagaw sa paggamit ng tinatawag na geofencing technology na nagbibigay sa mga manggagawa sa rekord ng oras na ginugugol nila sa kanilang lugar pa-trabaho. 

       Maaaring ireport ng  hindi nag-papakilalang mga  manggaawa mula ibayong dagat ang mga isyu sa lugar pa-trabaho sa kanilang wika pagkatapos ilunsad ang Fair Work Ombudsman  Anonymous Report  function sa  16 na wika maliban sa Inglis.  Ang  Filipino ang isa sa mga wika. 

 


3 min read

Published

Updated

Presented by Ronald Manila



Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now