Pagpapalaki kay Little Miss Independent

Pagtapon ng maruming lampin sa basurahan. Paggawa ng toast. Paghihiwalay ng damit para sa labada. Ito ang ilan sa mga gawain na itinuro ni Kat May sa kanyang 3-taong gulang na anak.

Independent kids

Confident, responsible and independent. Source: Kat May

Pinalaki si Kat May ng isang Pilipinang ina. Sheltered siya, at hindi siya marunong gumawa ng gawaing bahay noong lumipat sila sa New Zealand. 19-na-taong gulang siya noon.

"When I was growing up in the Philippines, my mum and grandmother did everything for me. It was a luxury. So when we moved to [New Zealand], I had a hard time adjusting. I was used to someone else doing everything for me," aniya.

Pagkatapos ng 13 taon, may asawa na siya ngayon at may isang anak. Nagtatrabaho siya bilang full-time team leader sa isang insurance company sa Sydney. Marunong na siyang magluto, maglinis, maglaba, at tinuro niya ang mga gawaing bahay na ito sa kanyang anak noong 3 taong gulang pa lang ito.

Noong 3-taong gulang ang kanyang anak na si Sophie, natuto na itong gumawa ng toast, mag-microwave ng pagkain, maghiwalay ng  mga damit para sa labada at ilagay ang mga ito sa washer.

Habang paniwala ni Ms May na tinutulungan niya ang kanyang anak na maging independent, madalas siyang nakakarinig ng mga komento mula sa kanyang ina at tiya ukol sa panganib na dulot ng mga gawaing itinuturo niya sa bata. 

"My mum would say that Sophie might burn herself or that she might fall from the stool she uses for the washer. But I just say that I don't want my child to grow up not knowing how to do these things," saad ni Ms May.

Maliban sa mga gawaing ito, ang ngayo'y 7-taong gulang na si Sophie ay natutong magtapon ng maruming lampin noong 1 o 2-taong gulang pa lang siya. Marunong din siyang maghanda ng sarilin niyang almusal, at hindi siya niyayakap ng kanyang ina kapag siya'y nadadapa.
May Family
Kat and Todd May believe that Sophie is more confident when it comes to making decisions because of how she was raised. Source: Kat May
Ayon kay Ms May, "If children get used to you doing things for them, they will be reliant on you. They will always look to you for validation. Like if her dad tells her not to do something risky, but she wants to, she will say, 'It's okay, dad. If I fall, it will be my fault. If I make a mess, I'll pick it up.'"

Saad niya na kailangang tanggapin ng mga magulang na hindi panghabang-buhay na beybi ang kanilang mga anak. Paniwala niya na kailangan maaga pa lang marunong ng maging independent ang mga bata mas lalo na kapag wala ang kanilang mga magulang.

"Like for me, I work full-time and sometimes I have to travel for weeks. If I always did things for her, I will always worry what will happen to her if I'm not around," saad niya.

Ayon kay Ms May, may mga Pilipinong magulang na hindi sasang-ayon sa kanyang pagpapalaki sa kanyang anak, ngunit hindi niya pinapansin ang pagtangging ito.

"There's nothing wrong with teaching your children to do their own thing. It doesn’t make you a bad mum. Our jobs as mums is to teach them to be ready for the big world," aniya.

ALSO READ

Share

3 min read

Published

Updated

By Nikki Alfonso-Gregorio




Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Pagpapalaki kay Little Miss Independent | SBS Filipino