Dose-dosenang na-trap sa Itogon landslide, malayong matagpuan pang buhay

Ang mga rescuers ay nahihirapang masagip ang ilan pang mga taong na-trap sa landslide, dalawang araw matapos manalasa ang bagyong Mangkhut o Ompong.

Itogon landslide rescuers

Rescuers carry a body from the site where victims are believed to have been buried by a landslide after Typhoon Mangkhut lashed northern Philippines. Source: AAP/AP Photo/Aaron Favila

Nawawalan na ng pag-asang makahanap pa ng mga nakaligtas sa malaking landslide sa Pilipinas habang ang mga rescuer sa liblib na rehiyon ay nahihirapang masagip ang dose-dosenang kataong pinaniniwalaang na-trap sa landslide, dalawang araw matapos manalasa ang bagyong Mangkhut o Ompong. 

May 300 pulis, sundalo, bumbero at mga volunteer na karamihan ay mayroon lamang dalang mga hand tools ang kumilos upang tumulong alisin ang mga bato, putik, at mnga labi sa mga gumuhong gusali, at umaaasa na mailigtas pa ang ilang mga na-trap sa landslide. 
Mungkaut landslide
Rescuers are digging in the Philippines town of Ucab for possible survivors of a large landslide. (AAP) Source: AAP
Ang nayon ng Ucab na kilala sa rehiyon ng Cordillera ay tinamaan ng 50 landslide dala ng malakas na ulan ng bagyong Mangkhut, na sumalanta sa hilagang bagagi ng Pilipinas noong Sabado, na pumatay ng halos 54 katao. 

Tatlo lamang ang nasagip sa naisagawang pag-rescue sa Ucab. Limampu't lima ang nawawala, anim dito ay mga bata. Marami sa mga nakakatanda ay nananitili sa isang abandonadong bunkhouse, malapit sa kapilya, na tinitirhan din ng isang pastor at ng kanyang pamilya. Ang mga gusali ay nasira ng lupa at mga bato. 

"I am 99 per cent sure the people there are dead," sabi ni municipal mayor Victorio Palangdan.

"We will continue until we get them all."             

Manu-manong tinanggal ng mga rescuer ang mga bubong, semento, kahoy, at ilang labi ng mga gusali. 

Sinabi ni National Police Chief Oscar Albayalde sa isang menshae sa Twitter noong Lunes na ipinadala ang ilang elite na grupo ng pulisya na may dalang radar life detectors, harness, mga kagamitan sa paghuhukay at ilang search and rescue equipment. 

Ang mga kaibigan at kamag-anak ng mga bikitima ay tumulong din sa mga rescuers, habang ang ilang sniffer dogs ay naghahanap din ng mga survivors.     
Rescuers work on the site where victims were believed to have been buried by a landslide after Typhoon Mangkhut barreled across Itogon, Benguet province, northern Philippines, Monday, Sept. 17, 2018.
Rescuers work on the site where victims were believed to have been buried by a landslide after Typhoon Mangkhut in the Philippines on Monday, Sept. 17, 2018. Source: AP
Ang abandonadong bunkhouse, na pagmamay-ari ng gold miner Benguet Corp., ay malapit sa isang minahan na sinasabing ilegal nag-ooperate, ayon sa Chamber of Mines of the Philippines. 

Ang nasabing chamber, kung saan ang Benguet Corp ay miyembro din, ay pauit-ilit nang nagsabi sa mga mining operators sa Ucab na lisanin ang lugar dahil sa pangamba na magka-landslide. 

Ipinagutos ni Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu noong Lunes na ipatigil ang mga maliliit na minahan sa rehiyon ng Cordillera, kung saan namatay ang 24 na katao dahil sa landslide. 

Sinalanta ng bagyo ang halos limang milyong Pilipino sa kabuuan, 150,000 dito ay nasa evacuation centres nang dumating ang bagyo na may dalang malakas na hangin na umabot sa 205 km/h, at pagbugso na hanggang 305 km/h. 

Sinira din ng bagyo ang mga pananim na bigas at mais na tinatayang nagkakahalaga ng $US177 milyon (AUD 247 milyon), sumira ng 450 na kabahayan, nagdulot ng pagbaha sa siyam na mga probinsiya. Ang dami ng taong naapektuhan ay mababa sa inaasahan ng mga opisyal. 

BASAHIN DIN

Share

Published

Updated

Presented by Roda Masinag
Source: Reuters

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand