Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Si 'Dr Google' ay nakakatulong, ayon sa survey

Natuklasan sa isang bagong pag-aaral na ang mga pasyente na naghahanap ng kanilang mga sintomas online bago pumunta sa emergency department ay mas nakakatulong sa pakikipag-usap sa mga doktor.

Dr Google

Dr Google Source: drthemi.com.au

Nagawa na nating lahat ito - ang pag-check online upang malaman kung ang isang sintomas ay maaaring mas maging malalang sakit. 

Bagamat ang paggamit ng Google app upang maghanap ng isyu sa kalusugan ay hindi inirerekomenda ng mga eksperto, isang panibagong pag-aaral ang nagsasabi na ito ay maaaring makatulong sa ilang mga paraan. 

Mahigit sa isang-katlo sa 400 pasyente na nasa hustong gulang ang sumali sa survey sa dalawang emergency departments sa Melbourne - St Vincent's at Austin Health - ang nagsabi na gumamit sila ng Google app para hanapin ang kanilang sintomas online bago makarating sa ospital. 

Taliwas sa mga pananaw na ito ay maaaring humantong sa pagdagsa ng mga tao sa emergency department na hindi naman gaanong seryoso ang problema, sabi ng isa sa mga sumulat ng pag-aaral na si Dr Anthony Cocco,  na ang gawain na ito ay nakakatulong - hangga't ang mga pasyente ay pumupunta lamang sa mga reputable sites. 

"About 77 percent of patients who searched noted that it enhanced their experience and had a positive effect,” sabi ni Dr Cocco sa SBS News.

“They particularly denote that they were able to communicate more effectively with the doctor, ask more informed questions and also understand their doctor better.”

Ayon sa pag-aaral, ang pananakit sa dibdib, tiyan, likod, at sakit ng ulo ang pinaka-karaniwang sintomas na hinahanap sa Google, at ang mga batang Australyano ang madalas na kumukonsulta sa internet para sa health advice. 

Sa 139 katao na naghanap ng kanilang sintomas sa internet bago pumuta sa emergency, 86 sa kanila ay nag-search online higit na mas maaga sa 24 na oras. 

Karamihan sa nag-search ng isyu sa kalusugan sa top-ranked sites sa Google ay hindi nag-alinlangan sa payo na ibinigay sa kanila ng doktor dahil sa kanilang napag-alaman, sabi ni Dr Cocco. 

"I think that would be very reassuring for doctors."

Gayunpaman, ang ilang mga pasyente (76 sa na-survey) ay sumang-ayon na mas nabahala sila matapos ang paghahanap ng sintomas online. 

"Obviously, anytime you're unwell you're a bit anxious. People coming into emergency are coming in on their worst day," dagdag ni Dr Cocco. "But certainly our research is not indicating that it's leading more people to come into emergency."

Around 40 percent of patients said looking up symptoms made them anxious.
Around 40 percent of patients said looking up symptoms made them anxious. Source: AAP

'Immensely valuable'

Si Erica Stevens ay may Myalgic Encephalomyelitis (ME) - isang komplikadong kondisyon na karaniwang tinutukoy na Chronic Fatigue Syndrome. 

Sinabi ni Ms Stevens na kumonsulta siya sa hindi bababa sa apat na medical practitioner simula nang siya ay ma-diagnose na may isang di-tiyak na virus dalawang taon na ang nakakaraan. 

Ayon sa kanya, ang bawat practitioner, bagamat mabuti ang kanilang layunin, ay walang kaalaman sa kanyang kalagayan, at ang paghahanap ng impormasyon online ay lubhang kapaki-pakinabang sa kanyang mga sesyon sa doktor. 

“ME is a very complex illness. Not all GPs and allied health practitioners are aware of the complexity and the severity,” sinabi ni Ms Stevens sa SBS News.

“Finding information online has been immensely valuable.”

indian woman ipad tablet work digital office
Source: Getty Images

Natuklasan sa mga dating pag-aaral na ang ilang mga doktor ay hindi sang-ayon sa paghahanap ng pasyente ng impormasyon online. 

Iba naman ang naging karanasan ni Ms Stevens. 

“My doctor was quite welcoming of me being proactive. He actually mentioned in a referral that I'm a highly motivated patient who takes an active interest in my health,” sabi niya.

Sinabi ni Dr Cocco na kailangang tanggapin ng mga doktor na gumagawa ng sariling pananaliksik ang kanilang mga pasyente. 

“Nothing will replace a medical consultation, but I think patients and doctors should be openly discussing this, especially knowing that patients will trust a doctor’s information over the internet,” sabi niya.

“But it’s definitely something we should be encouraging. Hopefully it will lead to a better overall experience for everyone involved."

With AAP.

ALSO READ

Follow SBS Filipino on Facebook


4 min read

Published

Updated

By Evan Young

Presented by Roda Masinag




Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now