Ang pagpapaalis kay speaker Pantaleon Alvarez upang magbigay-daan sa isang political heavyweight na si Arroyo ay maaaring maging bentahe para kay Duterte para pagsamahin ang kapangyarihan ng gobyerno at matiyak ang pagpasa ng mga batas ng kanyang mga pangunahing patakaran at ang pagbabago sa konstitusyon.
Si Arroyo, 71, na naupo sa gobyerno mula 2001-2010 at nakulong sa loob ng limang taon sa kasong graft, ay nanumpa bilang unang babaeng tagapagsalita ng bansa noong Lunes pagkatapos niyang makatanggap ng suporta mula sa 184 na myembro ng Kongreso, 48 ang bumotong di pabor at 12 ang nag-abstain.
Ang pagbabalik ni Arroyo bilang ikaapat sa pinakamakapangyarihang opisyal ay pabor kay Duterte dahilan sa kanyang political clout at magandang relasyon nito sa ilan sa kanyang mga kritiko, lalo na sa mga maimpluwensyang obispo ng simbahang Katoliko.
Hindi na isang sorpresa ang pagbabalik niya, sa dahilang marami sa itinalaga ni Duterte sa kanyang administrasyon at ang dalawa ay may parehong patakaran, kabilang ang pagnanais na magkaroon ng matibay na relasyon sa makasaysayang karibal na Tsina.
"This signals a big political comeback. She may have an ambition to replace Duterte under a new constitution in 2022. The only question is, is she acceptable?"
Ang dating kongresista at senador, pati na rin presidente, ay napagdaanan ang limang impeachment at military coup na hindi nagtagumpay.
Naakusahan din siya ng pandaraya sa eleksyon at ang kanyang pamamahala ay inulan ng mga paratang ng pagnanakaw sa gobyerno na kinasasangkutan ng ilang Chinese firms, na kanyang itinatanggi. Noong 2016, ibinasura ng Korte Suprema ang mga kaso ng pandarambong laban sa kanya at iniutos na palayain siya mula sa kanyang hospital detention. At sa kabila ng lahat ng ito, nanatili pa rin siya sa Kongreso.
Bagamat naging epektibo si speaker Alvarez sa pagsuporta sa agenda ni Duterte, nakilala siya sa pagiging divisive figure na na nakipagtalo sa anak ng presidente na si Sara Duterte.
Ayon sa political commentator na si Earl Parreno, si Arroyo ay may karanasan at impluwensya para maisakatuparan ang plano ni Duterte na paglipat sa pederal na sistema, at maaaring magka-ambisyon ito ulit na makuha ang pagkapangulo kapag natapos na ang termino nito.
"She is perfect for the job," sabi ni Parreno.
"This signals a big political comeback. She may have an ambition to replace Duterte under a new constitution in 2022.
The only question is, is she acceptable?"
Share
