Hinalikan ni Pangulong Duterte ang isang Pilipinong manggagawa sa isang pagtitipon ng Filipino community sa Seoul, South Korea.
May dalawang babae na umakyat sa entablado at sinabihan sila ni Duterte na paghahatian nila ang isang libro.
Hinalikan ni Duterte sa pisngi ang isa sa mga babae ngunit nagpahiwatig din siya sa isa pang babae na gusto niya ng halik sa labi.
"Are you single? You're not separated? But can you tell him that this is just a joke?," narinig na sinabi ni Duterte sa babae bago niya ito halikan sa labi at niyakap pagkatapos.
Ipinahayag ng mga netizen ang kanilang pagkasuya sa Twitter.
Inilarawan ng grupo ng kababaihan na Gabriela ang nasabing paghalik na “disgusting theatrics of a misogynist president.”
Ipinagtanggol naman ang Pangulo ng kanyang mga tagasuporta at mismong ang Palasyo ay nagsabing “it’s a playful act accepted in Filipino culture.”
Sinabi naman ng babae na hinalikan sa video na, "there was no malice."
Share
