Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Duterte nagsabing "never again" sa Holocaust memorial sa Israel

Duterte is on a four-day visit to Israel, the first visit by a Philippine president since the two countries' establishment of diplomatic relations in 1957, media reported.

Philippine President Rodrigo Duterte and his daughter Sarah lay a wreath at the hall of remembrance at the Yad Vashem Holocaust memorial museum in Jerusalem Source: EPA/ABIR SULTAN

JERUSALEM - Ang Pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte, na unang nagsabi na "ipapatay" niya ang mga drug dealer sa bansa halintulad sa pagpatay ng Nazi sa mga Hudyo, ay naglagay ng wreath noong Lunes upang gunitain ang mga namatay sa Holocaust sa Jerusalem.

Si Duterte ay kasalukayang nasa Israel para sa kanyang apat na araw na pagbisita-'first by a Philippine president'- at ang mga opisyal sa magkabilang panig ay sinubukang i-downplay ang mga nakaraang pagbatikos sa kanya. 

Sinindihan ni Pangulong Duterte ang eternal flame sa Hall of Remembrance bago niya ilagay ang wreath. Kasama ang kanyang anak na si Sara Duterte, pananadaliang huminto ang dalawa upang gunitain ang mga sandali at makibahagi sa seremonya.

Duterte is on a four-day visit to Israel, the first visit by a Philippine president since the two countries' establishment of diplomatic relations in 1957, media reported.
Philippine President Rodrigo Duterte and his daughter Sarah at the signing of the guest book at the Yad Vashem Holocaust memorial museum in Jerusalem Source: EPA/ABIR SULTAN

Habang binabasa niya ang kanyang sinulat sa visitor's book pagkatapos ng seremonya, sinabi ni Duterte na: "Never again."

Reading from what he wrote in the visitors' book after the ceremony, Duterte said: "Never again."

"May the world learn the lesson of this horrific and benighted period of human history. May the hearts of peoples around the world remain ever open. And may the minds of all men and women learn to work together towards providing a safe haven for all who are being persecuted."

Sinabi ng  Pamahalaang Israel na ang karamihan sa kaganapan sa kanyang pagbisita ay isasara sa media, bilang pag-iingat na muling mabatikos ang kamalian ng presidente na madalas pagtuunan ng pansin ng media sa kanyang mga taktika at mga komento sa kanyang pagsugpo sa krimen.

Noong 2016, naihalintulad ng oposisyon ang kanyang pag-angat sa pwesto kay Adolf Hitler, nang sinabi niya na ipapapatay niya ang ang nalulong sa droga katulad ng pagpatay ng mga lider ng Nazi sa mga Hudyo. 

Nalagdaan ang ilang mga kasunduan na magpapalawig ng turismo, labour at defence sa pagkikita ni Duterte at ng Punong Ministro na si Benjamin Netanyahu sa kanyang opisina. 

"We share the same passion for peace. We share the same passion for human beings. But we also share the same passion of not allowing a family to be destroyed by those who (have) corrupt ideologies," sabi ni Duterte.

Humingi ng paumanhin ang Pangulo sa paghahalintulad ng ng kanyang drug war sa Holocaust habang pinabulaanan nito ang ang mga akusasyon ng mga aktibista na ang kasalukuyang gyera sa droga ay hindi makatarungang pagpatay. 

Sinaway rin siya ng mga grupo ng kababaihan sa kanyang mga komento na ginagawang biro ang panggagahasa. 

Noong Hunyo, nagkomento si Duterte na ang Diyos ay "stupid" at pauli-ulit niyang binatikos ang Simbahang Katoliko, at binansagan ang mga ito na hipokrito.

Sa kanyang pagbisita, maglilibot siya sa walled Old City sa Jerusalem, kung saan maraming mga templo ng Kristyano, Hudyo  at Muslim.

Pagkatapos makarating sa Israel noong Linggo, bibisitahin ni Duterte ang daan-daang mga Pilipino sa bansang iyon na karamihan ay nagtatrabaho bilang care-givers, sinabi ng Israeli media. 

Nasa pagitan ng 24-000-28,000 ang mga nagtatrabaho bilang cares sa mga matatanda. 

sa Miyerkules, nakatakda siyang pumunta sa kalapit-bansa na Jordan.

ALSO READ

Follow SBS Filipino on Facebook


3 min read

Published

Updated

Presented by Roda Masinag

Source: Reuters




Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now