Nalampasan ng Punong ministro na si Malcolm Turnbull ang hamon sa kanyang pamumuno mula sa ministro ng Home Affairs na si Peter Dutton na nagtala ng 48-35 na boto ng mga miyembro ng partido.
Nagbitiw si Mr Dutton sa kanyang posisyon bilang ministro ng Home Affairs at lilipat sa backbench, alinsunod sa tradisyon ng solidaridad ng gabinete.
Kinumpirma ng whip ng Coalition na si Nola Marino ang resulta ng balota sa isang patyo sa Parliament House noong Martes ng umaga.
Nangyari ang paghamon sa isang closed-door party room na pagpupulong nang idineklara ni Mr Turnbull na bakante ang leadership positions, na pumilit sa mga challengers na ipahayag ang kanilang intensyon.
Batid ng SBS News na si Mr Dutton ang nag-iisang challenger
Sinubukan ng Punong Ministro na pahinain ang tensyon sa partido sa pamamagitan ng pag-abandon sa mga plano na isabatas ang emission reduction targets.
Ngunit hindi nito napigil ang mga konserbatibong kritiko sa loob ng Koalisyon.
Sinabi ni dating Punong Ministro na si Tony Abbott na ang pagbaliktad ay nagpapakita na ang kanyang kahalili ay nais na abadunahin ang kanyang mga pangunahing paniniwala.
“What we want to know is, where are this prime minister's convictions?” sinabi ni Mr Abbott sa mga reporter sa labas ng Parliament House noong Lunes ng gabi.
“We always thought that he was convicted on climate change issues. I think he probably still is. And it was a conversion of convenience this morning.”
Ang Liberal party room ay magpupulong sa Martes sa gitna ng mga haka-hakang hahamunin ng ministro ng Home Affairs na si Peter Dutton ang pamumuno ni Turnbull.