Sinuspinde ng FIBA disciplinary panel ang tatlong Boomers, sampung manlalaro ng Gilas, at dalawang coach at nagpataw ng mga multa at iba pang mga parusa sa national federation ng Pilipinas at Australya kasunod ng World Cup qualifier game sa Maynila noong Hulyo 2.
Noong Lunes, Hulyo 2, nagkaroon ng labanan sa gitna ng laro ng Australian Boomers at Gilas Pilipinas, dahilan upang mapaalis ang 13 manlalaro, kung saan tatlong manlalaro ang natira sa Pilipinas.

Naglunsad ang FIBA ng isang disciplinary proceeding laban sa parehong koponan at ipinasa ito sa Disciplinary panel, na ngayon ay nag-isyu ng dalawang desisyon.
Pilipinas
Ang namumunong kinatawan ng laro na FIBA ay nagsuspinde ng sampung manlalaro sa kabuuang 35 na laro, ang assistant coach na si Joseph Uichico ay nasuspinde para sa tatlong laro, at ang head coach na si Vincent 'Chot' Reyes ay suspindido sa isang laro at papatawan ng multa.
Ang may pinakamalubhang parusa ay ipinataw kina Calvin Abueva, (anim na laro, dahilan sa mga naunang offence), at Roger Pogoy and Carl Cruz (parehong limang laro).
Ang pambansang pederasyon ng Pilipinas, Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ay papatawan ng $ AUD 3337,000 na multa at iniutos na maglaro "behind closed doors" at magkakaroon ng probation sa susunod na tatlong taon.
Australya
Sinuspinde ng FIBA ang tatlong manlalaro - Chris Goulding, Thon Maker, at Daniel Kickert dahil sa ipinakita nilang unsportsmanlike behaviour. Si Kickert ang nabigyan ng pinakamabigat na parusa sa ginawa niyang pag-elbow kay Pogoy. Siya ay nasuspinde sa limang laro at hindi makakapaglaro hanggang Pebrero.

Ang Basketball Australia (BA) ay dapat ding magbayad ng multa na nagkakahalaga ng AUD $ 135,000 dahil sa ipinakitang unsportmanslike behaviour ng mga manlalaro nito at dahil sa pagtanggal nila ng mga sticker sa sahig sa bisperas ng laro.
Kasunod ng masususing pagsusuri ng mga pangkat ng eksperto na nangangasiwa ng laro, nagdesisyon din ang FIBA secretary general na ipatanggal sa FIBA Elite program ang mga referee sa laro.
Basketball Australia 'malamang na hindi' mag-apela
Ang BA ay may 14 na araw upang magpasya kung magsusumite sila ng apela subalit sinabi ng chief executive nito na si Anthony Moore na malang na hindi ito mangyari.
"It's unlikely we will do that although it's something that will be a conversation with the Players' Association and the players," sinabi ni Moore noong Huwebes.
"Thon is in transit so we will be talking to his agent in the US so it's something we will address in the coming 24 hours.
"We have a scheduled BA board meeting tomorrow so it's something that we will talk through."
SBP, tinanggap ang desisyon pero posibleng umapela
Sinabi ni SBP President Al Panlilio sa isang press conference sa Pilipinas na tinatanggap nila ang naging desisyon ng namumunong lupon ng laro subalit posible na maaari nilang i-apela ang ipinataw na parusa.
“We did have our position paper submitted to them last July 13, and we just want to make sure they considered those points, and we’re on the same page,” sabi niya. “From there, we’ll assess whether we’ll proceed on the formal appeal,” sinabi ni Mr Panlilio sa ABS-CBN News.
May 14 na araw ang SBP upang magsumite ng apela.
Additional reporting from AAP-SBS
BASAHIN DIN:


