Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Muling pag-iskor ipinakitang tinalo ni Horn si Pacquiao

Nanalo ang kampeyong Jeff Horm ng pitong round sa lima ni Manny Pacquiao, ayon sa pagrerepaso ng World Boxing Organisation ng kanilang laban para sa titulo ng welterweight sa Brisbane.

Pacquiao-Horn

Source: SBS Filipino

   Muling iniskoran ng WBO ang laban pagkatapos hilingin ng isang kagawaran ng pamahalaan ng Pilipinas na repasuhin ang 'Battle of Brisbane' noong ikalawa ng Huly, na nanalo ang Australyano sa di-inaasahang  unanimous decision.

   Nirepaso ng limang di-nakikilalang hurado ang laban at nabatid na nanalo si Horn sa una, ikalawa, ika-apat, ika-anim, ika-pito, ika-sampu at ika-labing-dalawang round, habang ang natitirang round ay pabor para kay Pacquiao.

   Tatlo sa mga limang hurado ay kailangang magka-isa para madetermina kung sino ang nanalo bawat round.

   Ang mga resultang iyon ay ipinaris sa iskor ng mga hurado sa laban na sina  Waleksa Roldan, Chris Flores at Ramon Cerdan para mabatid ang percentrage agreement bawat round, na kung saan nanalo sil Horn  sa iskor na 6-4.

    Ang rounds 10 at 11 ay tinuring na pantay.

   "Base sa pag-aanalisa, si Jeff Horn ang nagwagi sa laban," pahayag ng WBO.

    Kahit pa man nagsagawa ng pagrerepaso, ang WBO ay walang kapangyarihan na bawiin ang belt ni Horn.

    Hiniling ng Philippines Games and Amusements Board's (GAB) ang pagrerepaso base sa pagprotekta ng integridad ng boxing, at binanggit ang maaaring maling tawag ng mga referee at hurado.

    Ang orihinal na laban ay may iskor na 117-111, 115-113 at 115-113 nina Roldan, Flores at Cerdan, na naka-iskor na sa daan-daang laban.

   Si Roldan ang lubhang binatikos sa kanyang scorecard, subalit ang tatlo ay tumanggap ng suporta mula sa WBO pagkatapos ng kanilang pasya.

    Sinabi ng pangulo ng WBO  Francisco Valcarcel noong nakaraang linggo, hangad ng pagrerepaso  na bigyan ang mga taga-hanga ng katiyakan hinggil sa kung sino ba talaga ang nanalo.

   WBO REVIEW SCORES

   Judge 1: Pacquiao 114-113

   Judge 2: Draw        114-114

   Judge 3: Horn         115-113

   Judge 4: Horn         114-113

   Judge 5: Horn         114-113


2 min read

Published

Updated

Source: AAP



Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now