Pinoy football personalities, ihahatid ang mga kaganapan sa 2018 FIFA World Cup para sa SBS Filipino

Sasamahan tayo nila ‘Mr Football’ Elmer Bedia at Philippine Football Federation consultant Mike Moran sa coverage ng 2018 FIFA World Cup ng SBS Filipino.

Filipino Football personalities

Mike Moran (left) and Elmer Bedia (right) after the Azkalroos v Nepalese match in Sydney Source: Supplied by Elmer Bedia

Ang coverage ng SBS Filipino sa torneo ay magtatampok ng mga komentaryo, kaganapan at mga dapat abangan  sa 2018 FIFA World Cup na ihahatid nila ‘Mr Football’ Elmer Bedia at Philippine Football Federation consultant, Mike Moran.

BIOS

Elmer Bedia, retiradong Filipino-Australian footballer

Si Elmer “Lacknet” Bedia ay Filipino-Australian at kilalang personalidad sa football na naglaro para sa Philippine Air Force FC, Brisbane Olympic United FC at national team ng Pilipinas. Nakilala si Elmer bilang kauna-unahang Pilipino na nakapaglaro sa propesyonal na liga ng Division I ng Germany pati na rin sa Australya.

Si Elmer ay naglaro para sa National Team ng Pilipinas sa loob ng 13 taon at nabansagang "most-feared striker" ng bansa. Itinanghal siyang “Mr Football” sa Pilipinas noong 1981, 1983, at 1984. Lumipat siya sa Australya noong 1986 at naglaro para sa Brisbane Olympic United FC sa loob ng siyam na taon.

Noong 1991, bumalik siya sa Pilipinas para maglaro sa Manila Southeast Asian Games, kung saan siya ay nakatulong sa pagkapanalo ng Pilipinas laban sa powerhouse team ng Malaysia.

Simula nang magretiro siya sa paglalaro, nagging misyon na ni Elmer na tumulong na makilala ang larong football sa kanyang sariling bayan. Sa kanyang mga pagbisita sa Pilipinas, nagsasagawa siya ng mga paligsahan para sa kanyang football outreach program para sa mga bata. Noong 2013, inilunsad niya ang Elmer Lacknet Bedia Football Academy sa kanyang bayan sa Iloilo sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan, si Elmer ay nagtuturo sa junior team ng Brisbane Olympic United FC, kung saan ang kanyang mga anak ay kabilang na manlalaro ng naturang club.

Mike Moran, Philippine Football Federation Consultant

Si Mike Moran ay dating pambansang manlalaro ng football at ngayon ay isang consultant para sa Philippine Football Federation (PFF) sa Australya. Nagsimulang maglaro si Mike noong siya ay walong taong gulang pa lamang. Lumahok siya sa maraming paligsahan habang siya ay nag-aaral at naglaro din siya para sa pambansang koponan, na kumakatawan sa Pilipinas para sa ilang mga youth tournaments sa Asya.

Matapos niyang lumipat sa Australya noong 1986, naglaro si Mike para sa Yokohama Sports Club first team sa Tokyo at  sinanay niya ang local na koponan ng Cherrybrook club at  ang Cherrybrook Lions Team sa Sydney, pati na rin  ang ANZAC boys team sa Singapore.

Noong 2015, si Mike ay hinirang ng PFF bilang konsultant upang makatulong sa pagtataguyod ng football sa mga Pilipino sa Australya at makahanap ng mga bagong manlalaro para sa grupong Azkals sa Pilipinas.

Muling nakipagugnayan si Mike kay “Mr Football” Elmer Bedia at nakita nila ang ilang Aussie/Pinoys na naglalaro na ngayon para sa Azkals. Bilang konsultant ng PFF, nagsasaliksik si Mike ng mga football tie-ups. Sa kasalukuyan, naghahanap din siya ng mga batang kababaihan na maglalaro balang araw para sa Philippine team.

 


Share

Published

Updated

By Roda Masinag

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Pinoy football personalities, ihahatid ang mga kaganapan sa 2018 FIFA World Cup para sa SBS Filipino | SBS Filipino