Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Mga negosyong pag-aari ng mga Pilipino sa Adelaide maaring hindi sumusunod sa batas

Maaring hindi sumusunod sa mga batas pang-trabaho and mga negosyong pag-aari ng mga Pilipino sa Adelaide.

A barista is seen prepairing a coffee at a cafe in Canberra.

Penalty rates will drop in certain industries tomorrow. Source: AAP Image/Lukas Coch

Maaring hindi sumusunod sa mga batas pang-trabaho and mga negosyong pag-aari ng mga Pilipino sa Adelaide.

Naglunsad ang Fair Work Ombudsman ng kampanya na naka-pokus sa edukasyon at pagsunod sa mga batas pang-trabaho. Nadiskubre nila na may mga negosyong hindi pa rin maalam sa mga pangunahing patakaran gaya ng pagpapanatili ng rekord at pagbabayad ng tamang sahod sa mga empleyado. May posibilidad na kasama ang mga negosyong pag-aari ng mga Pilipino sa nangangailangan ng tulong ng Fair Work Ombudsman kaugnay sa pagsunod sa mga batas pang-trabaho.

Mula sa nagawang pagtutuos ng kuwenta, natuklasan ng Fair Work Ombudsman na 45 na porsyento sa 125 na negosyo sa Adelaide CBD, at ang mga ligid na arabal gaya ng North Adelaide, Norwood, Kent Town at Brompton ay bumagsak pagdating sa pagsunod sa batas pang-trabaho.

Kahit mula sa iba't ibang industriya ang napili na tuusan ng kuwenta, tinutukan ng Fair Work Ombudsman ang mga negosyong nagpapasweldo ng mga "at-risk" na empleyado gaya ng mga migrante, estudyante at mga kaswal na manggagawa. 

Binigyan din ng espesyal na atensyon ang industriya ng pagkain at inumin, gaya ng mga restawran at kapehan, pati na rin ang mga sektor ng manupaktura, seguridad at tingiang tindahan.

Naudyok ang Fair Work Ombudsman na gawin ang mga pagtutuos ng kuwenta dahil sa dami ng humihingi ng tulong mula sa Adelaide at mga ligid na arabal. Natuklasan mula sa pagsusuri na hindi nagbabayad ng tamang suweldo sa mga empleyado ang 36 sa 125 na negosyo, at hindi nagpapanatili ng maayos na rekord at payslip ang 29 sa kanila.

Dahil sa mga pakabigong ito, natuklasan na 113 na empleyado ang hindi nabigyan ng nagkakahalagang $54,701 na pasahod at karapatan.

Binigyan ng pormal na babala at mga “on-the-spot” na multa ang mga hindi sumusunod sa batas.

Ayon kay Fair Work Ombudsman Natalie James, “Keeping correct employment records and providing payslips are basic workplace obligations that every employer should be aware of.”

Sinabi rin ni Ms. James na tumataas ang mga multa para sa mga patuloy na lumalabag sa batas, at maaring mamultahan ng malaki ang mga negosyong ayaw pa ring sumunod sa mga patakaran.

Maliban sa mga naunang pagtutuos ng kuwenta, sabi ng Fair Work Ombudsman na tututukan nila ang mga negosyong nasuri na upang siguraduhin na patuloy silang sumusunod sa batas.

Banta ni Ms. James na ang mga “serious or deliberate breaches of workplace laws” ay maaring humantong sa pag-uusig.

Ang kampanyang ito na inilunsad noong Abril sa Australya ay umaasang maging malaking tulong sa mga negosyo at empleyado upang masiguro na alam nila ang mga karapatan at obligasyon nila.

May mga libreng impormasyon at tulong ukol sa pagsunod sa mga batas at patakarang pang-trabaho mula sa Fair Work Ombudsman.

BASAHIN DIN:


3 min read

Published

Updated

By Nikki Alfonso-Gregorio

Source: Fair Work Ombudsman




Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now