Pinatawan ng $31,590 na multa ng ang isang kumpanya na naka-base sa Rockhampton dahilan sa di pagbabayad nang tama ng termination entitlements ng dalawang Pinoy na empleyado.
Noong Pebrero 2016, tinerminate ng Alertvale ang dalawa nitong empleyado at hindi nito binigay ang kabayaran para sa notice termination kabilang ang apat na linggong redundancy entitlements. Ang kumpanya ay ilegal na nagkaltas din ng $1,915 sa sahod ng mga empleyado nito para sa training.
Ang mga Pinoy na nagtatrabaho bilang mga welder ay inisponsoran ng Alertvale ng 457 skilled migrant visa nang higit isang taon. Ang kumpanya ay nagbayad ng back-pay sa dalawang empleyado nito 16 na buwan matapos nito lumabag sa patakaran at matapos sila makontak ng mga inspektor ng Fair Work.
Sinabi ng Fair Work Ombudsman na si Sarah Parker na ang parusa ay dapat na magsilbing babala sa mga employer na kailangan nilang bayaran ang mga empleyado ng redundancy entitlements.
“If companies don’t pay termination entitlements it can have a significant impact on employees, depriving them of a crucial safety net until they obtain a new job,” sabi ni Ms Parker.
Sinabi ng ahensya na nakatuon ang kanilang pansin partikular sa mga employer na hindi makapagbigay ng basic entitlements na karapat-dapat na makuha ng mga migrante.
"Every single worker in Australia has the same workplace rights, regardless of their visa status, ethnicity or linguistic background.”
Pinuna ni Judge Robert Harper ang Alertvale dahil sa hindi nito pagbigay ng karapat-dapat na entitlement sa mga empleyado nito, at sinabing ang paglabag nito ay parehong "reckless and negligent."
Sinabi ni Judge Harper na dumami ang bilang ng empleyado nito mula 180 noong Agosto 2016 sa higit 350 noong Marso, ngunit hindi ito nagtalaga ng isang human resources department.
“[Alertvale] operates in the mining and heavy industry sectors which are known for experiencing downturns which lead to redundancies and terminations like those experienced by the Employees,” sabi ni Judge Harper.
Sa pagbibigay ng parusa, sinabi ni Judge harper na, “general deterrence was of fundamental importance to deter those employers who may be tempted to exploit the specific vulnerabilities of employees reliant on their employers for the ability to remain in Australia.”
Ang kumpanya ay nagbigay ng katibayan sa Korte na inatasan nila ang kanilang mga direktor na magsagawa ng mga pagsasanay kaugnay sa mga obligasyon ng employer at ipag-uutos din nila sa mga empleyado na kumpletuhin ang pagsasanay tungkol sa workplace laws.
Na-terminate ka ba sa trabaho o ginawang redundant? Alamin ang iyong mga karapatan
Narito ang isang video upang lubos na maintindihan kung paano umalis sa pinapasukan mo, kung kailan ka dapat magbigay ng abiso at kung gaano katagal ang abiso.
Para sa karagdagang impormasyon sa employment termination:
Para malaman kung ano ang iyong karapatan sa pagbibigay ng abiso:
BASAHIN DIN