Ang mga dating operator ng Canberra massage parlor ay kailangang humarap sa Federal Court dahilan sa hindi pagbabayad nang tama sa mga Pilipinong empleyado na may kabuuang $912,809.
Haharap din sa korte ang kumpanya na pag-aari ni Colin Kenneth Elvin, Foot & Thai Massage Pty Ltd, at ang Pilipinong tagapangasiwa ng massage parlor na si Jun Millard Puerto, na inisponsoran ni Mr Elvin ng 457 skilled worker visa.
Anim na kababaihan at isang lalaking nasa edad na 20s at 30s na hindi gaano makapagsalita ng Ingles ay diumano kinakailangang magtrabaho ng 65 hanggang 68 na oras kada linggo.
Ang mga emplayadosa massage parlor ay nagtatarabaho mula 9.45 ng umaga hanggang 10/10.30 ng gabi, anim na araw kada linggo, ngunit binabayaran lamang sila ng 38 na oras, base sa imbestigasyon ng Fair Work Ombudsman.
Ang imbestigasyon ng Fair Work Ombudsman ay nagsimula noong 2016 matapos makatanggap ng mga referral mula sa Federal Police, na nagimbestiga sa kaso ngunit hindi nagsampa ng criminal charges.
Napagalaman ng mga inspektor sa Fair Work na pitong empleyado sa Pilipinas and diumano'y ni-recruit at pinangakuan ng taunang sweldo na $52,000.
Pinaghihinalaan din na ang kumpanya ni Mr Elvin ay inisponsoran ng mga empleyado ng 457 visa at nag-ayos ng pagbyahe nila sa Australya, kasama si Mr Puerto.
Anim sa mga emplayado diuamano ay pinagbayad ng $800 kada dalawang linggo ng kanilang sahod sa loob ng siyam na buwan noong mga panahon na hindi gaanong kumikita ang massage parlor.
Ang mga empleyado diumano ay binigyan ng matitirhan sa Higgins suburb, kung saan ang mga Pinoy na empleyado ay hindi makalabas dahil nakakando ang gate magdamag.
Ang mga empleyado diumano ay sinunsundo at hinahatid gamit ang isang van mula sa bahay sa Higgins papunta sa massage parlor na kanilang pianpasaukan.
Ang bawat isa sa kanila ay mga kamag-anak sa Pilipinas at sila ay regular na nagpapadala ng pera sa kani-kanilang mga pamilya.
Napag-alaman ng FWO na ang dating operator at tagapangasiwa ng massage parlor diumano ay tinakot ang mga Pinoy na empleyado na pababalikin sila sa Pilipinas at pinagtangkaan pa diumano ni Mr Elvin na ipapapatay ang mga pamilya nila sa Pilipinas kung magsusumbong sila sa Department of Home Affairs (dati ay Department of Immigration and Border Protection).
Sinasabi diumano ng Fair Work Ombudsman na nilabag ni Mr Elvin, Mr Puerto at Foot & Thai Massage Pty Ltd ang mga probisyon ng Fair Work Act, na nagsasaad na labag sa batas ang manakot ng empleyado o magbantang gawan ito ng masama kung magsasampa sila ng reklamo tungkol sa kanilang kondisyon sa trabaho.
Ang naturang kaso ay patungkol din sa diskriminasyon sa lugar ng trabaho dahil sa kanilang lahi/ national extraction/ o pinagmulan.
Sinabi ni Fair Work Ombudsman Natalie James na ang naturang kaso ay isa sa mga pinakanakakagulat na paratang ng pagsasamantala na natanggap ng kanyang Ahensya
“We allege that these seven workers were deliberately targeted because of their vulnerability and exploited for profit,” sabi ni Ms James.
“This type of conduct has no place in Australia and it deserves utter condemnation and appropriate sanctioning.”
Ang Fair Work Ombudsman ay nais na mapatawan ang Foot & Thai Massage Pty Ltd ng hanggang $54,000 na penalty at hanggang $10,800 naman kada contravention laban kay Mr Elvin at Mr Puerto para sa maraming alleged contraventions sa lugar ng trabaho.
Nais din mabigyan ng Court Order ng Fair Work Ombudsman sila Mr Elvin at ang kanyang kumpanya na mabayaran ng back pay ang mga empleyado para sa karagdagang kabayaran sa mga empleyado para sa anumang danyos bilang resulta ng pinaghihinalaang paglabag.
Ang naturang kaso ay nasa listahan ngcase management hearing sa Federal Court sa Canberra sa Agosto 21.
Matapos ang boluntaryong pangangasiwa, ang Foot & Thai Massage Pty Ltd ay pumasok sa isang Deed of Company Arrangement noong 2016- at sa 2017 ang mga empleyado ay babayaran ng bahagi ng kanilang entitlements. Gayunpaman, sila ay diumano'y may utang pa na $767,926 sa kabuuan, at ang indibidwal na halaga ay aabot mula $92,136 hanggang $125,669.
ALSO READ: