Ikinatuwa ng libo-libong tagahanga ng boksing ang pagkakapanalo ng ni Manny Pacquaio laban kay Adrien Broner sa isang unanimous decision sa Las Vegas noong Sabado. Marami sa mga ito ay umaasa na ang pagkapanalo ay hahantong sa rematch kay Floyd Mayweather.
Nadepensahan ni Pacquiao ang kanyang WBA welterweight world title sa nasabing laban. Dalawang hurado ang nagbigay ng iskor na 116-112, pabor kay Pacquio, habang ang ikatlong hurado ay nagbigay ng iskor na 117-111.
"He is a world champion. You really can't beat him," sabi ng isang mensahero na si Boy Maniari, isa sa mga nanood ng laban sa isang giant screen sa basketball court sa Marikina City.

(Reuters) Source: Reuters
"This will lead to Pacquiao's rematch with Mayweather. Mayweather will lose," sabi ni Maniari.
Dumalo si Mayweather sa nasabing laban, na siyang nagpaigting ng spekulasyon ng rematch nila ni Pacquiao na kanyang tinalo noong 2015, na tinawag na "The Fight of the Century".
Nakabawi ang eight division world champion sa pagkapanalo nito, sa kabila ng maraming sabi-sabi na nalalapit na ang pagtatapos ng karera nito sa boksing.
Inilarawan ni Philippine Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin na "eternal hero" si Pacquiao matapos ang laban nito na nagtala ng 61-7-2 sa rekord ng boksingero.
"I will slap anyone who suggests again he retire. Fighters never retire; fighting is their oxygen; they accept even permanent damage & blistering defeat as badges of honour," sinabi ni Locsin sa Twitter.
"Pacquiao displayed his vintage form just like in his heyday, "sabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo sa isang pahayag.
"We thank our pound-for-pound King for not only bringing honour and glory to our flag but for once again uniting all Filipinos worldwide with his display of athleticism, power and Filipino pride," sabi ni Panelo.
Share
