"There's five fatalities that we know of. There's several other persons that are gravely injured," sinabi ni deputy police chief ng Anne Arundel County Bill Krampf sa mga reporter.
Kamakailan, sinabi ni Lieutenant Ryan Frashure, tagapagsalita ng Anne Arundel County police na ayon sa paunang impormasyon, tatlo ang naiulat na sugatan.
Suspek nasa kustodiya ng pulis
Sinabi ni Mr Schuh na ang awtoridad ay kasalukuyang inaalam ang motibo habang kinekwestyon ang pinaghihinalaang namaril, na ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya.
Hindi pinangalanan ng mga awtoridad ang pinaghihinalaang namaril, ngunit sinabi na siya ay isang white adult male.
Sinabi ng isang law enforcement na opisyal na ang krimen ay hindi itinutring na insidente ng terorista.
Ang Federal Bureau of Investigation ay tumutulong ngayon sa mga lokal na awtoridad, sinabi ng opisyal.
Narinig ng reporter ang pagreload ng namaril
Ang mga reporter sa Capital Gazette newsroom ay isinalarawan ang kanilang nakakasindak na karanasan.
Itinweet ng isang crime reporter na si Phil Davis na: "gunman shot through the glass door to the office and opened fire on multiple employees."
"There is nothing more terrifying than hearing multiple people get shot while you're under your desk and then hear the gunman reload," sabi ni Davis.
Si Anthony Messenger, isang Gazette intern, ay nag-tweet din: “Active shooter at 888 Bestgate please help us." Sinabi rin nya na may isang editor na nabaril.
Ayon sa isang source sa law enforcement ng CBS news, ang suspek ay nasa 20’s, na walang pagkakakilanlan. Sinabi din ng dalawang source sa CBS News na gumamit ng shotgun ang suspek.
Sinabi ni Anne Arundel County Executive Steve Schuh na nakakalungkot ang balita na marami ang napatay.
"Those fatalities are so sad," sinabi niya. "And I don't know what to say other than our thoughts and prayers are with them and their families."
Basahin ang kabuuan ng report sa SBS News
