Isa sa apat na Australyano ang nakakaranas ng kalungkutan ayon sa bagong Australian Loneliness Report.
Lumabas sa pag-aaral ng Swinburne University na 50.5 porsyento ng mga Australyano ang nalulungkot isang araw kada linggo, habang halos 30 porsyento ang nalulungkot tatlo o mahigit na mga araw- isang isyu na lumalakas sa masayang panahon.
Lumabas din sa Australian Loneliness Report na ang mga Australyano na may mas mataas na antas ng kalungkutan ay may malubhang pisikal at pangkaisipang kalusugan kumpara sa mga may mababang antas ng kalungkutan.
kumpara sa mga hindi nalulungkot na mga tao, ang mga nalulungkot na tao ay mas nababalisa sa mga sosyal na interaskyon, may simtomas ng depresyon, negatibong emosyon at mas mahinang pisikal na kalusugan at mababang kalidd ng pamumuhay.
Nagbahagi ang CEO ng charity Gold Coast Hospital Foundation, Kim Sutton ng limang paraan upang maiangat ang disposisyon:
Kunin ang pagkakataon na kumpletuhin ang mga bagay na nais gawin: Gumawa ng listahan ng mga bagay na matagal ng nais gawin ngunit hindi nagkaroon ng pagkakataong gawin- itsek ang bucket list.
Walang pili na akto ng kabaitan: Lumabas sa isang pananaliksik na ang pinakamahusay na paraan upang maingat ang diwa ay ang pagiging mapagbigay sa iba- kaya isipin ang pag-boluntaryo ng iyong oras o pagbigay sa mga kawanggawa. Masarap sa pakiramdam at makakapagbigay ito ng liwanag sa buhay ng iba.
Pumunta sa mga abalang lugar-sosyal at makipag-usap sa iba: Ako ay nakapagbyahe na sa buong mundo ng mag-isa at lagi ko nakikita ang sarili na humaharap sa araw, o kumakain, mag-isa. Upang labanan ito, pumunta sa mga lugar na makakarelaks tulad ng dagat o kapehan at makipag-usap sa iba.
Lumabas mula sa nakasanayang buhay: Ang mga taong walang plano ngayong bakasyon ay maaaring konsiderahin ang pagbubukas ng bahay sa isang kaibigan o kapitbahay na nangangailangan din ng kasama- ngunit alam kung saan maghahanap.
Laging tandaan na "time will heal": Kung nag-iisa at malungkot, ito ay mahirap at alam ko ang pakiramdam. Ang pagkawala ng mahal sa buhay o ng isang bagay ay mas nagiging mahirap dahil sa kahalagahan na inilagay sa panahon at pagpapalagay- partikluar sa oras na ito ng taon. Makipag-ugnayan sa iba at ipaalam sa kanila kung ano ang nararamdaman.
ALSO READ:
Share



