Bakit hindi epektibo ang YOLO pagdating sa pera

Ang mga desisyon natin 'ngayon' ay huhubog ng ating 'bukas'.

Jerry O'Brien and his son.

Jerry O'Brien and his son. Source: Facebook - Joana Rose Magpantay O' Brien

Para sa naka-base sa Sydney na finance strategist, ama at asawa na si Jerry o' Brien ang pagtuturo sa kanyang anak na maging matalino pagdating sa pera ay napakamahalaga.  Naniniwala siya na ang pag-iipon ay isang ugali na hindi madaling buohin at kahit ang ibang mga matatanda ay kinakailangan pang pag-aralan ito. Upang ihanda ang kanyang 8 taong gulang na anak, nagsimulang magtrabaho si Jerry.

Garapon ng spend, save at invest

Sa tulong ng kanyang laging sumusuporta na asawa na si Joana, itinuro ni Jerry at inaplay ang kanyang bersyon ng money jar method (spend, save at invest) na kanyang sinimulan isang taon na ang nakaraan. Masaya ang mag-asawa sa kinalabasan nito at gumarantya na mas bumuti ang kaalaman ng anak tungkol sa pera.

 “Napakaganda ng turnout nito kasi naging conscious siya sa spending niya. It turned out well at nag-improve din ang decision-making niya sa pera. Gusto kong maturo yung value ng money na hindi siya nakukuha ng madali na dapat pinaghihirapan din at may effort kang ibibigay,” sabi ni O’Brien.

Jerry O'Brien and his son.
Jerry O'Brien and his son. Source: Facebook - Joana Rose Magpantay O' Brien
Naniniwala din si Jerry na ang pagturo sa anak kung paano mag-impok at gumastos ng tama, paano mamuhunan, at paano dumadaloy ang enerhiya ng pera ay habang-buhay na magbabago sa kanyang anak lalo na kapag siya ay tumanda.

“Gusto ko rin siyang magkamali sa mga decisions niya early on para malaman niya ang consequences ng paggastos at overspending niya while he is young,” dagdag ni Jerry.

Mga kamalian ng millenial sa pera

Ang trabaho ni Jerry bilang direktor ng kanyang sariling kompanya na Mortgage station ay nagbukas ng kanyang mga mata sa katotohanan kung gaano ka-mangmang ang mga millenials pagdating sa pera. Mas hinahanap nila ang ginhawa, mamahaling karanasan at mga walang kwentang pagbili. Ang mga maling desisyon ay nagdudulot ng mga malaking utang sa kanila. Ito ang bagay na ayaw ni Jerry mangyari para sa anak.

“Nakita ko sa trend ngayon lalo na sa mga millennials although nasa good salary sila their saving habits are bad. May kakulangan sa financial literacy,“ paliwanag niya.

Nagsisimula sa bahay

Naniniwala si Jerry na ang batang malusog sa pinansyal na aspeto ay produkto ng mga pinansyal na malusog na mga magulang. Dapat manguna ang ama at ina sa pamamagitan ng ehemplo.

“It should start with self-assessment, how we personally spend our money. From there, we assess our kids kung time na ba o mature na ba sila enough to handle the finance side of things," dagdag niya.

Ang pagsanay sa kanilang anak ay nagbigay din sa mag-asawa ng oportunidad na maging malapit sa isa't isa at hikayatin ang bawat isa bilang pamilya.

“As parents it is our job to educate our children,“ patutsada ni Jerry.
Facebook- Joana Rose O' Brien
Source: Facebook- Joana Rose O' Brien



Share

3 min read

Published

Updated

By Claudette Centeno-Calixto




Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Bakit hindi epektibo ang YOLO pagdating sa pera | SBS Filipino