Apat na batang Thai nailigtas na, rescuers nakaantabay sa susunod na rescue operations

Ang mga rescuer ay nakaantabay na sa ikalawang yugto ng rescue mission para mailigtas ang apat na mga batang lalaki na na-trap sa isang kweba sa Thailand.

Eight of the Thai boys are now out of the cave.

Eight of the Thai boys are now out of the cave. Source: AAP

Key points:

  • Apat na batang lalaki ang nailigtas mula sa Thai cave
  • Rescue operations, itinigil pansamantala habang naghahanda ang mga rescuers
  • Walong lalaki at ang coach ay di pa naililigtas
  • Ang extracting group ay maaring tumagal pa ng tatlo hanggang apat na araw
  • Punong Ministro ng Thai bibisita sa Lunes
  • Isang Australyanong doktor ay kabilang sa operasyon
Apat sa 12 schoolboys ang nailigtas mula sa isang binahang kweba sa hilagang Thailand noong Linggo bago magsimula ang 10-oras na pansamantalang pagtigil ng operasyon upang madagdagan ang suplay ng oxygen.

Sa gitna ng mga eksena ng kaguluhan sa Tham Luang Cave, sinabi sa SBS News ni Narongsak Osottanakorn, pinuno ng rescue operation, na tinatantya pa ng mga opisyal ang suplay ng oxygen at iba pa nilang mga suplay bago nila ma-evacuate ang iba pang natrap na mga batang lalaki at ang kanilang coach. 

Sinabi din nya na isinasaalang-alang din nila ang kalagayan ng mga bata. 

Labintatlong mga banyagang divers at ilang myembro ng elite Navy Seal unit ng Thailand ang naggagabay sa mga batang lalaki upang mailigtas sa makitid na daanan na kumitil ng buhay sa isang dating Thai Navy diver noong Biyernes. 

Sakay ng isang helicopter, inilipad ang apat na lalaki sa kalapit na lungsod ng Chiang Rai, kung saan dinala sila ng ambulansya papuntang ospital. 

Walong mga bata at ang coach ay nananatiling na-trap sa kweba.

Marami sa Thailand at sa iba pang lugar sa buong mundo ang nabahala sa kalagayan ng grupo, habang ang mga awtoridad ay nahihirapan pang sila ay matagpuan at pagkatapos ay gawan ng plano upang makuha ang mga lalaki at ang kanilang coach palabas ng kweba.

'A great success'

Sa isang press conference, sinabi ni Narongsak na ang apat ay "ligtas na", ngunit nagbanggit din ito ng mga detalye ng kasalukuyang kodisyon o pagkakakilanlan. 

"Today was the best situation – in terms of kids' health, water and our rescue readiness," sabi nya. Hindi pa sila naglalabas ng mga pagkakakilanlan ng mga batang na-rescue. 

Sinabi ni Narongsak na ang operasyon ay nagpaptuloy ng mas mabilis sa inaasahan at idinagdag na ito ay "a great success."

Kinailangan ng rescue teams ng halos 10 oras para makapaghanda sa susunod na operasyon, kabilang ang 90 na divers sa kabuuan, 50 sa kanila ay mga banyaga. 

"Our job is not completely done ... We will have to do the next mission as successfully as the one we did today. The rest of the kids are in the same spot."

Ang malakas na ulan ay balakid sa pag-rescue

Ang malakas na pag-ulan sa Tham Luang cave sa lalawigan ng Chiang Rai noong Linggo ay naging hadlang sa pag-rescue, at inaasahan na may darating pang bagyo sa mga susunod na Linggo, na makakadagdag sa panganib sa tinatawag nilang "war with water and time" para maisalba ang grupo. 

Ang mga batang lalaki na nasa edad na 11 hanggang 16 ay nawala kasama ang kanilang 25-taong gulang na coach pagkatapos ng kanilang pagsasanay sa soccer noong Hunyo 23, nang sila'y magtakdang magpunta sa cave complex malapit sa border ng Myanmar upang magdiwang ng kaarawan ng isa sa mga batang lalaki. 

Ang mga rescue team ay nagsagawa ng plano sa loob ng ilang araw, sinabi ni Narongsak, at pinangasiwaan nito ang pagpapababa ng antas ng tubig sa kuweba, at kinailangan din nilang kumilos ng mabilis para masagip ang grupo. 

"If we wait and the rain comes in the next few days we will be tired again from pumping and our readiness would drop. If that's the case, then we have to reassess the situation," sabi niya.

Madilim at makitid na daanan

Ang pagliligtas sa mga natitirang lalaki at coach ay maaring tumagal pa ng dalawa hanggang apat na araw, depende sa panahon, sinabi ng isang army commander na kabilang sa rescue mission. 

Upang mailigtas, kinailangan na sumisid sa madilim at makitid na daanan, kung minsan ay hindi hihigit sa dalawang talampakan ang lapad, na naging isang hamon para sa mga cave divers.

Sinabi ng mga awtoridad na inabot ng humigit-kumulang 11 oras upang makagawa ng isang round-trip mula sa entrada ng kuweba papunta sa kinalalagyan ng mga batang lalaki. 

Isang Australyanong doktor, na naging bahagi ng rescue mission noong Linggo, ang nagsisisiyasat sa kalusugan ng mga batang lalaki noong Sabado ng gabi at nagbigay ng 'all-clear' sa mga rescuers na magpatuloy. 

Si Dr Richard Harris, isang anesthetist mula sa Adelaide, ay pumasok sa kuweba sa partikular na kahilingan ng mga awtoridad ng Thailand. 

Ayon sa OzTek na website, si Dr Harris ay isang underwater photographer na nakapag-dive sa higit 30 taon. 

Sinabi ng awtoridad na ang rescue team ay kinabibilangan mga divers mula sa iba't-ibang lugar sa mundo, karamihan mula Europa. 

Natuklasan ng mga British divers na sina Richard Stanton at John Volanthen ang mga lalaki noong Lunes. Sinabi ng British cave Rescue Council na mas maaga sa linggong ito na nagpapadala sila ng limang "key cave rescuers" sa Thailand, ilan sa mga ito ay divers. 

Kabuuang istorya sa SBS News


Share

Published

By Omar Dabbagh in Chiang Rai
Presented by Roda Masinag

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand