Donkey votes hanggang democracy sausages: Alamin ang election jargon sa Australia

Democracy sausages hanggang writs, tatalakayin isa-isa ng mga eksperto ang mga popular na salita at kasabihan ngayong panahon ng pederal na eleksyon.

A sausage sizzle outside a polling station at the University High School in Melbourne.

A sausage sizzle outside a polling station at the University High School in Melbourne. Source: AAP

Mula donkey vote hanggang hustings, incumbency at writs, ilan lang ito sa maraming salita na lumalabas sa bibig ng mga kandidato pati sa mga ordinaryong tao kapag nalalapit na ang pederal na eleksyon. Subalit ano nga ba ang ibig sabihin nito at saan ito nanggaling?

Kadalasan binabaliwala ng marami ang political lingo dahil parang katunog ito ng ibang lingwahe.

Bagay na sinang-ayunan ni Algene Cruz na isang electrical engineer na nakabase sa Brisbane. Tatlong taon na itong naninirahan sa Australia subalit, inamin nitong  hanggang ngayon hirap pa din itong intindihin ang political jargon.

"Sa totoo lang halus lahat ng [slang words] hindi ko naintindihan. Nakakatawa nga dahil kapag kausap ko mga Australians at gumagamit sila ng slang words, minsan matagal akong nag-iisip para intindihin, kung ano ang ibig sabihin nung sinabi nila,” pag-amin ni  Algene.

"Maganda sana kung nakasanayan ko ang pagsasalita nila para agad kong maintindihan kung ano man ang ibig sabihin nila.”

Kaya ating hihimayin ang karaniwan at nangungunang salita na ginagamit sa panahon ng eleksyon:

Above the line

Ang termino na "above the line" ay tumutukoy sa pagboto para sa Senado.

Kapag bumoto para sa Senado kinakailangang lagyan ng bilang ang mga kahon mula 1 hanggang 6 para sa napiling partido o grupo.

Ang iyong pinaka-unang napili ay ikakalat sa lahat ng mga kandidato sa partido o grupo, uulitin ang prosesong ito hanggang sa pang-anim na napiling partido.

Below the line

Kapag bumuto sa ilalim ng linya para sa Senado, kinakailangan lagyan ng bilang  mula 1 hanggang 12 ang mga kahon para sa napiling kandidato.

Sa ganitong paraan ay alam mo kung sino ang binuto mo na kandidato.

 

Democracy sausage

Ang sausage sizzle ay tumutukoy sa isang event o pagdiriwang kung saan may nagba-barbecue ng sausages at pagkatapos ay inilalagay ito bilang palaman sa sandwich.

Pangkaraniwang nangyayari sa panahon ng halalan ay may sausage sizzles o nagba-barbecue malapit sa istasyon ng botohan kung saan maaring bumili ang mga botante, at nagaganap ito sa buong bansa.

Taong 2012 unang ginamit ni Judith Brett mula La Trobe University ang salitang “democracy sausage” sa online.

“May grupo ng kabataan sa social media ang gumamit ng salitang democracy sausage, pinag-uusapan nila kung saan makabili ng sausage para sa kanilang almusal habang nasa botohan at ang terminong “democracy sausage” ay naging popular simula nun,” sabi ni Professor Brett.

 

Donkey vote

Salungat sa popular na pinaniniwalaan, ang donkey vote ay isang pormal na paraan ng pagboto.

Ayon sa Political commentator at Griffith University Associate Professor Paul Williams: "Ang donkey vote ay isang valid vote. Subalit sa tingin natin ang donkey o asno ay isang tangang hayop.

Kaya ang ideya, ang isang tao ay pumunta sa istasyon ng botohan, pumunta sa booth at napa-isip, wala akong alam sa politika at hindi ako interesado, kaya gagawin kong  simple at mabilis ang lahat para maka-uwi agad.”

Ang simple at gawing pinakamabilis ay karaniwang nangangahulugang isusulat ng tao ang bilang na 1 pagkatapos ay isulat ang magkasunod na ang mga numbero, hanggang sa dulo, na hindi kailangang mag-isip kung tama ba ang kanilang ginagawa o kung sino ang kanilang binoto.

Nangyayari din ang reverse donkey voting kung saan ang mga botante ay unang  isinusulat ang bilang na 10 sa itaas na bahagi ng balota pagkatapos ay isinusulat ang bilang pababa hanggang sa “1”.

 

Hung parliament

Ang konsepto ng hung parliament ay katulad sa konsepto ng hung jury o hindi nagkasundo sa iisang hatol guilty or not guilty ang mga jury. Subalit sa parlyamento ito’y nangangahulugan na ang partido ay hindi nakakuha ng karamihan na pwesto sa parlyamento, kaya wala itong kapangyarihan na ma-kontrol ang buong parlyamento.

Sa halip, ay kailangan nitong umasa sa suporta ng ibang partido at independent na mga kandidato.

 

Hustings

Posibleng narinig nyo na ang katagang Scott Morrison at Anthony Albanese ay "on the hustings".

Ang salitang ‘hustings’ ay isang English term na ginagamit dito sa Australia habang ang bansa ay sumusunod sa British Westminster politics. Ang “on the hustings” ay nangangahulugan na nasa panahon ng pangangampanya sa halalan.

Incumbent

Ang incumbent ay isang taong gumagawa ng trabaho at karaniwang ginagamit ang terminong ito para sa isang taong naka-upo sa pwesto.  Halimbawa, Scott Morrision ang kasalukuyang punong ministro, dahil sya ang kasalukuyang gumagawa ng katungkulan.

Sinasabi ni Dr Williams na ang ideya ng incumbency, ay kung sino ang nasa kapangyarihan at nanunungkulan, itinuturing itong mahalaga sa Australia dahil bihirang may mga pagbabago sa gobyerno ng bansa.

Sa kasagsagang ng COVID, bilang mamamayan mahalaga ang panunungkulan ng mga nasa gobyerno. Dahil nag-aalala ang lahat ng estado at teritoryo, gusto nilang manatili sa gobyerno silang nakaupo sa pwesto. Kaya kung mangyayari ang halalan seguradong mananalo ang nasa pwesto dahil walang may gustong magpalit dahil may krisis.

Sa panahon ngayon ang dalang takot ng pandemya ay halus wala na, hindi na gaanong nag-aalala ang mga tao sa Australia. Mas nag-aalala ang mga tao ngayon kung paano makabawi ang ekonomiya, paano mas mapagaan ang kanilang pamumuhay at sa palagay ko ang mga botante ay naghahanap ng pagbabago… at ang incumbency na advantage, ay tila tapos na.”

‘I don’t hold a hose’

Ayon kay Amanda Laugesen ang direktor ng Australian National Dictionary Centre [ANDC] na sinusubaybayan nila ang isang ekspresyong "I don't hold a hose.”

Nangyari ito noong 2019 nang si Prime Minister Scott Morrison ay nagbakasyon sa Hawaii sa kasagsagan ng bushfire sa Australia.

“Nang bumalik sya mula sa bakasyon ginamit nya ang ekspresyong ‘I don’t hold a hose’ [hindi ako ang may hawak ng hose (ng tubig)], sabi ni Laugesen.

“Ang ekspresyong ito ay ginamit din laban sa kanya, hindi lang sa panahon ng bushfire, hanggang ngayon dahil nakikitang hindi nya inaako ang responsibilidad bagkus ay itinuturo nya sa ibang tao ang responsibilidad o sa ibang dahilan.

“At lumaki nga ang isyu sa kasagsagan ng paglulunsad ng bakuna kontra COVID. ‘I don’t hold a syringe' [hindi ako ang may hawak hiringgilya]. At nasundan nitong nagdaang pagbaha, 'I don’t hold a bucket' [hindi ako ang may bitbit ng ang balde]. “

Manchurian candidate

Ayon kay Dr Laugesen, ang kasabihang ito ay narinig sa parlyamento kamakailan lang, ginamit ito ng parehong malalaking partido pero nauna ang Koalisyon para tukuyin na ang Labor Party ay higit na nakikiramay sa bansang China kaysa iniisip ng kasalukuyang gobyerno ang kapakanan ng bansang Australia ngayon at sa hinaharap.

“Ito ay isang malakas na paninira, dahil ito ay nagpapahiwatig na sa tingin ko ay isang elemento ng pagtataksil, na sa tingin ko ay alam na ng lahat kung ano ang ibig sabihin at kung gaano ito kabigat. Kaya sa palagay ko maaaring sisikat ang terminong ito,” sabi ng ANDC director.

Pork barrelling

Ang pork barrelling ay tinukoy ng Macquarie Dictionary bilang "magbigay ng hindi naaangkop na bahagi ng pera ng gobyerno, bilang kapalit ng suportang pampolitika.

Dagdag naman ni Dr Williams mula sa Griffith University ang kasabihang pork barrelling ay nanggaling sa Estados Unidos  kung saan ang mga bariles ng baboy ang pangunahing pagkain nilang medyo mayayamang angkan noong ika-19 na siglo.

Binigyan ito ng isang pampulitikang kahulugan sa panahon ng digmaang sibil ng Amerika nang ang mga pulitiko ay nag-aalok ng pera upang muling itayo ang mga komunidad.

Ang pag-alok ng bariles ng baboy ay ang pag-alok  para maitayo ang tinatawag na “American Dream,”  ito ay mas magandang paraan sa    pag-alok ng suhol at pampatibay din ng loob, at ginawan din ng Australia ng kanilang sariling bersyon.

Ang pork barrelling ay isang ugali ng mga partido at pulitiko sa maling paggasta ng pera ng publiko para sa sariling pampulitikang pakinaban, karaniwan ay para hikayatin ang mga botante sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pangako sa panahon ng kampanya sa halalan.

 

Rort

Ayon sa Macquarie Dictionary ang ‘Rort” ay isang kakaibang Australian na kasabihan, ang ibig sabihin ay panloloko o mandaya.

Ang slang na terminong “rort” ay unang ipinakilala noong 1910’s  mula sa salitang “rorter”.

Bagaman sa orihinal, wala itong konseptong pampulitika, subalit, nilapatan ito ng kahulugan ng pulitika. At ngayon ay kadalasang ginagamit bilang pantukoy sa pandaraya sa halalan at panghoholdap at iba pang tusong gawi na ginagawa ng mga pulitiko.

Writs

Ang pag-isyu ng writs o kasulatan ay isa sa unang mga hakbang sa proseso ng elekyon o halalan.

Ang mga kasulatang ito sa kontekstong pampulitika ay mga dokumento na inisyu ng Gobernador-Heneral, na may awtoridad na magsagawa ng halalan sa Australia.

Ang isang writ na para sa isang halalan ay magbabalangkas sa mga mahahalagang hakbang ng panahon ng halalan at tutukuyin ang mga pangunahing petsa para sa mga hakbang na iyon, alinsunod sa balangkas ng timing na itinakda para sa Commonwealth Electoral Act 1918 (Batas) gaya ng isinasaad ng Australian Electoral Commission.

Walong writ ang inilalabas para sa isang pangkalahatang eleksyon, isa para sa bawat anim na estado at dalawng teritoryo.

Ang pag-isyu ng mga kasulatan ay ipinaalam sa Commonwealth Gazette – ito ay ang opisyal na publikasyon para sa layuning ipaalam ang mga aksyon at desisyon ng pamahalaan.

 


Share

9 min read

Published

Updated

Presented by Shiela Joy Labrador-Cubero




Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand